All Chapters of Maid of the Arrogant Billionaire (Tagalog) : Chapter 11 - Chapter 20
91 Chapters
Chapter 9 (Part 3)
Lumapit na ako sa dalawa dahil bugbog sarado na ang mga ito. Tsk, halatang hindi sanay sa pakikipag away ang mga ito. Iisang lalaki hindi nila magawang matalo-talo. Anak mayaman nga naman. Susugod pa sana ang lalaki kela Isaiah ng mabilis kong nahawakan sa balikat ang lalaki para iharap sa akin. Isang malakas na suntok sa mukha ang ginawa ko ulit para makatulog ito. Katulad ng kaibigan niyang naka bulagta na rin sa sahig. Naghiyawan ang mga tao sa paligid. Tsk, Hindi naman makapaniwala ang dalawang itlog sa aking harap. Syempre magugulantang talaga sila, Isang kagaya kong babae napatumba ang dalawang malaking lalaki. Parehas may mga bangas ang mukha ng dalawa pero mas matindi ang kay Isaiah dahil putok ang noo nito at labi. Nilapitan ko sila. “Okay lang ba kayo? Tara, gamutin natin ang mga sugat niyo.” Mahinahon na sabi ko sa dalawa. “Louise, babae ka ba talaga o lalaki? Napatumba mo ang dalawang ‘yun ng ganon kadali? Sa isang suntok lang.” Wala pa rin
Read more
Chapter 10 (part 1)
SCARLETT PAGKATAPOS ng karera nagyaya si Isaiah na kumain, and of course libre niya! Hindi na kami sa VIP room dumeretso dahil ayaw na daw ni Isaiah doon dahil boring. Pinili nila ang isang table malapit sa bar counter at sa mini stage. “Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na natalo mo ang tatlong lalaking kalaban mo sa karera, Damn! Alam mo ba na magagaling ang mga ‘yon? Mahirap matalo pero ikaw! Natalo mo sila ng ganon lang. You're the best! Pwede bang kunin kitang maid ko? Para lagi kitang kasama, Your so cool! Mukhang hindi ako ma—” “Bro, stop it. Kanina mo pa kinukulit si Louise. Saka naririnig mo ba ‘yang sinasabi mo? Gusto mo bang magalit si Lu sa ‘yo?” Awat ni Ace, actually kanina pa talaga ako hindi tinitigilan ni Isaiah sobrang hangang hanga ito sa aking ginawa. “E, di ba ayaw naman ni Lu ng personal maid? So, willing akong kunin si Louise she's different and amazing! Papayag ka naman Louise, right?” Umurong palapit sa tabi ko si Isa
Read more
Chapter 10 (Part 2)
“Ano ang nangyayari? Bakit nagkakagulo sa dance floor?” Tanong ni Isaiah habang nakatingin sa mga taong nagtatakbuhan palabas. Nangunot naman ang noo ko at tinutok ang tingin sa gitna ng dance floor kung saan may nag-aaway. Pinaningkit ko ang mga mata dahil pamilyar sa akin ang mga tao sa dance floor. “Stay here guys, I'll check what's happening. Don't leave this place, ok?” Seryosong sambit ni Ace. “Sandali sasama ako!” Turan naman ni Isaiah. Bago sila makaalis ay bigla akong napatayo ng makilala ang mga tao sa dance floor. Sila Night! Naka-disguise man sila pero kilala ko ang postura at galaw ng miyembro ng WGO. Anong ginagawa nila dito? May mission ba sila dito ngayong gabi? Napansin ko naman na sabay-sabay na nabaling sa akin ang atensyon ng tatlo. “Hoy, Hermosa don't tell me mangingialam kana naman sa gulong ‘yan?” Tanong ni Lucien na hindi ko pinansin. Pakialam ba niya? Tss! “Naku, Louise! ‘wag mona balakin dahil mukhang mga lasing na a
Read more
Chapter 11 (Part 1)
LUCIEN PAGKAPARADA ng kotse sa tapat ng mansion, mabilis akong bumaba saka pabaksak na sinarado ang pinto, Dere-deretso akong pumasok sa loob at hinayaan si Hermosa na maiwan. Sa buong biyahe mainit ang ulo ko dahil sa babaeng ‘yon! Masyadong mayabang porket nakatulong sa mga kaibigan ko. Napipikon ako sa pagsagot sagot niya sa akin kanina at pagpapahiya niya sa akin, Nag matapang na porket nakagawa lang ng mabuti. Isa pa napansin ko na mahilig ito mangialam sa mga gulo. Tsk, mukhang sasakit talaga ang ulo ko sa babaeng ‘yun! Pakiramdam ko sinadya niya talaga na tulungan sila Isaiah kanina para makuha ang loob ng mga ito. Lalo na ni Ace na halatang gustong gusto siya, sobra kung asikasuhin at lagi kinakampihan! Kung ang dalawa kong kaibigan nakuha niya ang loob, pwes ako hindi! Oo, napahanga niya ako sa akin niyang galing sa pagmamaneho pero hindi mababago na ayaw ko sa kanya! Na ayaw ko ng isang personal maid na bubuntot-buntot sa akin kung nasaan man ako. Pa
Read more
Chapter 11 (Part 2)
SCARLETT Sa isang exclusive subdivision pala nakatira si Claire, sabagay mayaman din naman ito. Pagkatapat ko sa guard house sinabi ko lang ang pakay ko at hindi naman ako nahirapan dahil inaasahan na pala ako ni Claire. Madali akong nakapasok sa loob at hindi na ako hiningian ng ID. Ngayon ay hinahanap kona kung saan ang mismong bahay nito. Nakakalula ang mga mansion dito sa subdivision na ito. Sunod-sunod at pagandahan talaga sila. Napangiti ako ng makita ko sa labas ng gate si Claire. Binuksan ko ang bintana para kumaway sa kanya. “Hi Ma‘am Claire!” Bati ko ng pumarada ako sa mismong tapat nito. “Hi, Louise! Pasensya kana kung ikaw ang sumundo sa akin ha?” Hingi ng pasensya nito. “Naku, wala ‘yun Ma'am Claire, trabaho kong sundin ang utos ni Sir Lucien.” Tinanggal ko ang seatbelt ko at akmang baba na ng pigilan niya ako. “No need, Louise. Wag kana bumaba. Kaya ko naman.” Awat nito sa akin sabay mabilis na naglakad patungo sa passenger seat saka puma
Read more
Chapter 12
SCARLETT PAGDATING sa BGC nanatili akong nakasunod sa dalawa, ngayon naman ang role ko ang isang dakilang bodyguard. Ito talaga ang totoo kong trabaho ang bantayan si Lucien. Matapos ang mga nangyari sa sasakyan kanina naging tahimik na kami. Ok naman na ang magkasintahan, mukhang nakalimutan na nila ang nangyaring sagutan kanina. Kahit na nagmumukha akong third wheel sa pag sunod sunod ko sa dalawa ayos lang. Basta hindi lang mawala sa paningin ko si Lucien. Marami pa naman tao ngayon dito. Palingon-lingon nga ako sa paligid, baka may mapansin akong kahina-hinalang mukha. “Love, ok lang ba na iwan natin dito sa labas ng restaurant si Louise? Bakit hindi na lang natin siya isama? Para makakain din siya.” Turan ni Claire habang malungkot na nakatingin sa akin. “Don't mind her, Love. That's part of her job. This is our date, gusto ko tayong dalawa lang. Let's go inside.” Seryosong sagot naman ni Lucien, Tsk, wala talagang puso. Sabagay baka gumaganti sa akin
Read more
Chapter 13
HINGAL NA HINGAL ako ng maupo sa bench. Bwiset talaga na Lucien ‘to! Talagang iniinis niya ako! Nakakailang sunod-sunod na ikot na kami sa parke! Nangangapos na ako sa paghinga pero ayaw ako patigilin ng hudyo! Isa pa nasakit ang kalahati ng ulo ko dahil kulang na kulang ako sa tulog! Bwiset. Ganda ng bungad ng araw ko. “O, bakit naupo kana d'yan? Tired? Bakit parang hindi ka naman sanay mag jogging? Hindi ba ito ang routine mo araw araw?” Nakangising tanong nito sa aking harap. Bwiset talaga, sanay ang katawan ko sa pag jojogging pero hindi naman iyong sunod sunod na ikot na walang pahinga! “Oo ito ang routine ko araw-araw pero hindi ko naman papatayin ang sarili ko na sunod-sunod ang ikot sa buong parke at walang pahi-pahinga!” Hinihingal na sagot ko. Naiinis na talaga ako e. “Wala ka pala, mahina. Akala ko pa naman kaya mo. Anyway, Let's go. Umuwi na tayo. Ipagluluto mo pa ako ng breakfast, papasok ako sa kompanya ngayon.” Bossy nitong utos na naman saka dampot
Read more
Chapter 14
KABADO ako ng binalik ko ang aking cellphone. Sana lang mabasa agad ni Night kung sakaling wala silang misyon ngayon. Sana din mauna siya sa amin sa Cafe para maabisuhan niya ang lahat ng tauhan ko doon… Night, ikaw na lang ang pag asa ko para hindi ako mabuko at masira ang mission ko.. Nagpapasalamat na lang din ako dahil medyo traffic ngayon, malaking tulong ito para patagalin ang oras. Piping nagdadasal na lang ako habang tinatapik tapik ang manibela. Pasilip-silip din ako sa aking cellphone kung nagreply na si Night pero wala pa rin. Shet, sana naman mabasa niya ang mensahe ko at wala siya sa misyon ngayon. PAGDATING namin sa S.L coffee and sweet house, Dumagundong ang kaba sa aking dibdib sa dami ng naging misyon ko na halos buwis buhay na, ngayon lang talaga ako nakaramdam ng takot at kaba! Ngayon pang ka-simple lang ng misyon ko. Damn it! Pinarada ko sa medyo dulo ang sasakyan, sinadya kong bagalan ang kilos habang ino-obserbahan ang tao sa loob ng C
Read more
Chapter 15 (Part 1)
SCARLETT ARAW NG LINGGO MASAYA ako habang pababa ng hagdan, day off ko ngayon kaya free akong gawin ang gusto ko ngayong araw. Wala naman pasok si Lucien sa kompanya kaya no worries ako. Gusto ko mag relax dahil sa mga nakalipas na araw puro stress at sakit ng ulo ang binibigay sa akin ni Lucien. Hindi ko alam kung kailan ba kikilos ang nagbabanta sa buhay niya para mapatay kona at matapos na ang mission ko dito. Hindi ko kakayanin kung aabutin pa ako ng ilang buwan dito sa mansion ng mga Saavedra. Kapag hindi ko na talaga kayanin baka kausapin ko si Boss tapos makipag palit na lang ako sa ibang high rank assassin. “Magandang umaga, Manang! Ano po ang almusal natin?” Masaya kong tanong habang papalapit dito. “Magandang umaga rin, Iha. Gising kana pala. Nag sangag ako at nagluto ng scramble egg, bacon, sausage at spam. May toasted bread din akong ginawa. Kumain kana. Si Señiorito Lucien kumakain na doon sa Teresa.” Sagot ni manang habang abala sa pag hihiw
Read more
Chapter 15 (Part 2)
PAGDATING namin sa rooftop humahangang nilibot ko ang tingin sa paligid. Napakaganda naman pala talaga dito. Hindi na ako magtataka kung ganito karami ang tao. “Let's go in that way, Louise. nandoon ang VIP room for us.” Tumango naman ako bago sumunod kay Ace habang ginagala pa rin ang tingin sa paligid. Sisiguraduhin kong babalik talaga ako dito para makapag relax at enjoy. Pagdating namin sa silid. Mas lalo akong namangha dahil glass window ang kalahating pader ng kwarto kung saan kitang kita ang buong city! Ibang klase mag isip ang isang Ace, Hindi talaga magsisisi ang mga pupunta dito. Sulit na sulit ang lahat. “Louise! Dito!” Masayang tawag ni Isaiah sabay turo ng upuan na malapit sa glass window. Meron din palang veranda ang kwarto na ito kung saan may mga upuan din, kung gusto mag inom doon ay pwede din. Masayang lumapit naman ako at hindi pinansin ang presensya ng boss ko na abala na sa pag inom ng rum. Nakasunod naman sa akin si Ace. “Sala
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status