5 YEARS AGO"Magandang araw sa inyo, Mr. at Mrs. Levine. Ako nga pala si Marcos Madrigal, pero tawagin n'yo na lang akong Makoy. Ako ang kasalukuyang kapitan dito sa baryo," pakilala ng lalaking sumalubong sa amin. "Ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako dahil ang baryo namin ang napili ninyo para sa inyong feeding program. Nagagalak kaming lahat sa inyong kabutihan," dugtong pa niya.Bumaling siya sa amin ni Marcia at matamis kaming nginitian."Maraming salamat din, Kapitan Makoy, sa pagtanggap ninyo sa amin dito," pahayag ni Uncle Jules."Malaking tulong para sa amin ang pagdating ninyo, Sir Levine. Minsan lang dumating sa amin ang tulong mula sa labas, kaya sobrang saya naming lahat," sabi ni Kapitan Makoy. "Tutulungan na rin namin kayo sa pagbubuhat ng mga dala ninyo.""Salamat," sagot ni uncle."Oh, s'ya, mga kabaryo, tulungan na natin ang ating mga bisita," anunsyo ni Kapitan Makoy.Tumulong na rin kami ni Marcia sa pagbubuhat ng mga dala namin na nasa L300. Habang naglalakad, nap
Terakhir Diperbarui : 2022-08-14 Baca selengkapnya