Magulo ang loob ng kwarto nang makita namin ito. Nagkalat ang maduduming damit at ilan pang mga gamit sa lapag. Hindi ko rin maipaliwanag ang amoy sa buong lugar pero ang talagang kumuha ng atensyon ko ay ang mga tali sa bawat gilid ng kama pati na rin ang latigo na nasa ibabaw nito. Mabilis akong napalingon sa bintana ng makarinig ako ng mga kaluskos doon."Anong nangyari rito, Diane? At para saan ang mga tali at latigong 'to?" sunod-sunod na tanong ni Marcia."May kasama ka ba rito tuwing gabi?" tanong ko rin kay Diane. Napasalampak s'ya sa sahig saka s'ya malakas na humagulgol. Umangat ang suot n'yang puting bestida kaya naman nakita ko ang malalaki n'yang pasa sa binti at hita n'ya. "I think someone is abusing her," pahayag ni Marcia na nagbigay takot at kaba sa akin. "I-lock n'yo ang mga pinto at bintana paglabas ko. Tatawagin ko si daddy." Tumango ako bilang sagot kay Marcia. Saktong pagbukas n'ya ng pinto ay tumambad sa harap namin si kapitan Makoy. Wala s'yang pang-i
"Kyaahhh!" sigaw ni Mavey habang pilit na lumalaban para sa buhay n'ya. Nilulunod kasi s'ya ni Marcia. Nakaupo lang kami ni ate Keegan sa bato habang hinihintay kung sino sa katawan ng dalawa ang lilitaw sa ibabaw ng tubig. Oo, nag-aabang kami ng bangkay. Nasa ilalim kasi si Marcia habang hinihila sa ilalim ng tubig si Mavey. "Swimmer ba si Mavey?" tanong ko kay ate Keegan. "Hindi. Kaya nga s'ya ang expected kong mamamatay ngayon," sagot n'ya na pareho naming ikinatawa. "Pixie, I'm sorry for what happened earlier. Hindi ko akalaing may napagdaanan kayong ganun ni Marcia." "We're fine now. Matagal na naming iniwan ang takot at mga alaalang 'yon. Past is past na." "Kyaahh! Don't come near me!" sigaw ni Mavey habang tumatakbo papaahon sa tubig. Nang makalapit s'ya sa amin ni ate Keegan ay hinila n'ya pababa ng bato si ate at ginawang shield mula kay Marcia. "Twin dyosa, protect meee! Ayaw mo naman sigurong mawalan ng magandang kakambal, diba?" "Hahaha! Ang duwag mo talaga kahit k
"You like it?" tanong ni Wayde kaya mabilis akong tumango bilang tugon sa kanya. Hindi ko mapigilang mapahanga sa magandang talon na nakikita ko ngayon. Para bang binura nito ang mga alalahanin ko kanina. Excited na lumusong sa tubig si Mavey at Marcia kaya natawa na lang ako. Para silang mga bata na nakatakas sa mga magulang nila para makapaglaro."Tara!" Paghila sa akin ni Wayde kaya naman mabilis akong napasunod sa kanya. Hindi ko mapigilang ma-disappoint dahil pulso ko ang hawak n'ya at hindi ang kamay ko. Bakit ba naghahangad akong hawakan n'ya ng kamay ko? Kahit nga nakaw na halik ay naghihintay ako. Kung noon ay naiinis ako kapag ginagawa n'ya ang mga bagay 'yon ngayon ay hinahanap-hanap ko na. Haist. Malala ka na, Pixie!"Ang lamig!" Kumpara sa tubig sa ilog ay bakit mas malamig ang tubig dito sa talon?"Ang sarap dito!" masayang sigaw ni Marcia habang nagfo-floating."Doll, you look down. May problema ba?" tanong sa akin ni Wayde. "Problema? Wala," sagot ko sak
"It was my pride and cowardness who ruined us. I'm sorry, Pixie. Kahit kelan ay hindi kita niloko. Kahit lasing ako nun ay alam kong hindi ko pinatulan ang kapatid mo noong tayo pa. Please, believe me.""I still have a class," malamig kong turan bago s'ya talikuran. Kung totoo man o hindi ang mga sinabi n'ya ay wala na akong pakialam. Kahit kelan ay hindi na maibabalik pa ang dati naming relasyon. Basag na basag na ang tiwala ko sa kanya at imposible na 'yong maisaayos pa."Hey. Remember my cousin Devan? The noisy and clingy bastard who loves to drain my patience?" tanong sa akin ni Marcia pag-upo ko sa tabi n'ya."Oo. Bakit?""He's coming here to spend his 1 month vacation. Siguradong walang segundo o oras ang gagawin n'yang pang-iirita na naman sa atin."Problema nga 'yon. Sa kanya lang ata muntik ng maubos ang pasensya ko. He even confessed his love to me. Kami pa ng mga panahon na 'yon ni Janus kaya naman binasted ko s'ya. Alam kong trip-trip n'ya lang 'yon kaya hindi ko s
"I know you want this too, Pixie. I know you miss me," saad n'ya. Bago pa man n'ya muling idikit ang labi n'ya sa akin ay tumama na ang palad ko sa pisngi n'ya. Mag-asawang sampal ang ibinigay ko sa kanya para ramdam n'ya talaga ang galit ko.Ang kapal ng mukha n'yang halikan ako!Kung dati ay kinikilig ako sa tuwing hinahalikan n'ya ako noong kami pa, ngayon ay parang babaliktad ang sikmura ko sa pandidiri sa kanya. Iniisip ko palang na galing sa bibig n'ya ang labi ng ate ko ay kinikilabutan na ako."Hayop ka! Huwag na huwag ka na ulit lalapit sa akin!" galit na galit kong sigaw bago tumakbo papalayo sa kanya.Takbo lang ako nang takbo hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko na nasa labas na ng University. Wala pa ring tigil sa pagbagsak ang mga luha ko hanggang sa makasakay ako ng taxi at makauwi ng bahay. Mabuti na lang hindi ko naabutan si Pennie. Ayokong makita n'ya akong umiiyak dahil siguradong pagtatawanan n'ya lang ako. Ganun s'ya ka-impakta. Pati kabiguan ko ay celebr
Mabilis akong napamulat ng mga mata nang maramdaman kong may lumilikot sa tiyan ko. Handa na akong sumigaw dahil sa intruder na nasa kwarto ko nang nanuot sa ilong ko ang mabango at pamilyar na amoy ng taong katabi ko.Kaagad kong binuksan ang lampshade na nasa tabi ko at doon ko tuluyang na kompirma kung sino ang katabi ko at kayakap. "Wayde?""Hmm," ungol n'ya nang maalimpungatan s'ya.Anong ginagawa n'ya rito sa kwarto ko at paano s'ya nakapasok?Muli akong napahiga sa tabi n'ya nang hilahin n'ya ako at yakapin. Pinigilan kong huwag mapatawa dahil sa ginawa n'yang pagsusumiksik sa leeg ko. Nakakakiliti. Bakit ba ang hilig n'yang pagnasaan ang leeg ko?"Paano ka nakapasok dito?" tanong ko habang sinusuklay ng mga daliri ko ang buhok n'ya. "I climbed and sneak at your window," namamaos n'yang sagot. Napakagat ako ng ibaba kong labi dahil sa nakakaakit n'yang boses. Alam ko naman na hindi n'ya ako inaakit pero 'yon ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.Ipinikit ko ang mga
"You're spacing out. Iniisip mo pa rin ba kung paano mo masusuntok ang ex mo?" tanong sa akin ni Marcia. "We could do that anytime, friend. Katulad ng kung paano n'ya sinurprise attack si Wayde ay ganun din ang gawin natin sa kanya." Halatang excited s'ya pero hindi naman 'yon ang iniisp ko ngayon kundi ang nangyari kagabi sa amin ni Wayde. Bakit ba hindi ang maiinit naming tagpo ang palaging pumapasok sa utak ko? Pakiramdam ko tuloy ay ang manyak-manyak ko."Bakit nangangamatis 'yang mukha mo?" tanong ni Marcia kaya mabilis akong napahawak sa magkabila kong psingi. Nakita ko ang pagngisi na parang aso ni Marcia. Alam kong may hinala na s'ya kung bakit ako nagkakagan'to ngayon. "Please don't say a word," pakiusap ko sa kanya. Baka sumabog ang mukha ko sa kahihiyan kapag inasar n'ya pa ako lalo. "Fine. Fine. Hindi kita aasarin ngayon. Maybe later," sabi n'ya habang hindi pa rin nawawala ang pilyo n'yang ngiti. "Sa sobrang rahas ng sagupaan ninyo kagabi ay mukhang nasugatan ka
Hindi ko na mabiling kung ilang mura na ang ibinulong ko habang patuloy na tumatakbo palayo sa lalaking humahabol sa akin. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ng mga estudyante na napapalingon sa akin. Nagsimulang umagos ang mayayamang luha sa mga mata ko ng makita ang faculty room ng department namin pero mas lalo akong naluha sa saya nang makita ko ang paglabas doon ni Wayde. Kasama n'yang lumabas sa opisina si ate Keegan at Sir Willard. "Wayde!" sigaw ko sa kanya kaya sabay-sabay silang napalingon sa akin. Hindi ako nag-alinlangang yakapin s'ya nang makalapit ako sa kanya. Humagulgol ako sa dibdib n'ya saka ko mas lalong isiniksik ang sarili ko sa kanya. "Levy!" sigaw ni ate Keegan. Ibinaling ko ang ulo ko at doon ko nakita ang seryosong mukha ni ate. "Did he hurt you?" tanong sa akin ni ate Keegan kaya umiling ako. "S-Si Marcia. H-Hinahabol s'ya ni A-Alex," utal kong sumbong. "You bastard." Narinig kong angil ni ate Keegan. Muli kong ibinaon ang mukha ko sa dibdib ni Wayde