“Tama ba ito, Carlo?” nag-aalalang tanong ko. Magkatabi kaming nakaupo ni Carlo sa bus na sinakyan namin. Kanina pa kami nagbabyahe at hindi ko alam kung nasaan na kami. “H'wag kang mag-alala, Jane. Makakalayo rin tayo sa kaniya.”Bumuntonghininga ako. “Sana nga. Kanina pa ako kinakabahan,” aniko at tumingin sa paligid. Wala namang kakaiba sa mga kasabay naming pasahero. Pero pakiramdam ko ay may nakatingin sa amin. “Hindi kita pababayaan, Jane. Ako ang bahala sa ‘yo.”Marahan akong tumango at naluluhang tumingin sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung bakit biglang naging ganito ang buhay ko. Siguro nga kasalanan ko nga rin ito. Kung hindi siguro ako nangialam ay hindi na ito mangyayari. Pero paano naman si James? Namatay na lamang siya na walang hustisyang natatanggap. Gusto ko lang naman tumulong pero ang kapalit niyon ay kalayaan ko. Napakapit ako sa kwintas ko. Kahit na ano ang mangyari ay hinding-hindi ko ipapaalam kay Rodrigo Navarro kung nasaan ang mga ginto. Mamamatay akon
Magbasa pa