“Ahhh!” Isang malakas na sigaw ang kumawala sa lalamunan ni Serenity, punong-puno ng frustration, stress, at kirot na hindi niya na kayang ikubli. With one swift, reckless motion, ibinato niya ang cellphone sa sofa. Tumilapon ito, bumagsak nang malakas sa cushions—kasabay ng tila pagkaguho ng lahat ng natitirang lakas niya. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang bumibilis ang bawat paghinga. Parang may humahabol sa kanya, pero wala namang ibang tao sa condo. Tahimik. Masyadong tahimik. At ang katahimikan na ‘yon ang lalong nagpalalim ng lungkot at galit na bumabalot sa kanya ngayon. Kanina lang… kanina lang nandito si Antoine. Hinatid siya nito pauwi, gaya ng dati. Pero ibang-iba na siya ngayon—malamig, walang emosyon, para bang wala na talaga siyang halaga dito. Sinubukan pa nga niyang halikan ito sa labi, hoping kahit kaunti, maramdaman niya ulit 'yung dating Antoine. Pero mabilis ang lalaki. Tila ba nahulaan na nito ang balak niya. Tumalikod agad, umiwas, at nagpaalam na parang
Huling Na-update : 2025-05-13 Magbasa pa