Lahat ng Kabanata ng BROKEN SERIES 1 Zarina Montes [SEDUCTION]: Kabanata 41 - Kabanata 50
54 Kabanata
KABANATA 41
SHOCK WAS REGISTERED on her face lalo pa ng hapitin ni Antoine ang baywang niya. Hindi niya magawang makapag-react dahil bukod sa lamig na nararamdaman niya ay hindi niya rin alam papaano ikikilos ang sarili sa harapan ng lalaki. Nakabuka nang malaki ang mga hita nito para bigyan siya ng espasyo para makaupo sa hood ng sasakyan nito. Naninibago siya sa ikinikilos nito sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang ikilos sa harapan nito. Kapag kasi tinatangka niyang akitin ito dinaig pa niya ang may sakit kung makaiwas. Para kasi itong napapaso sa tuwing magkakadikit ang balat nila. She longs his touches. So, what now?Ano ang gagawin niya? Gagawin na ba niya uli ang Zarina Seduction 101 niya? O, hahayaan na lang ito kung ano ang plano nito sa kaniya at enjoy-in na lang? Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. At pinag-iisipan kung ano ang maaaring gawin ngayon. Chance na niya na makasama ito. 'Yong dalawa lang sila at walang iistorbo na kahit sino. Nakita niya na ini
Magbasa pa
KABANATA 42
Hindi malaman ni Zarina kung papaano niya natapos ang araw na iyon ng hindi ipinapahalata kay Antoine ang totoong nararamdaman niya. Hindi niya rin alam kung papaano niya nagawang tumawa habang ang puso niya ay durog na durog.Buong maghapon silang magkasama sa pamamasyal sa Tagaytay at sa buong maghapon na iyon ay naka-plaster na ang ngiti niya sa labi. Na-master na rin niya kung papaano ikikilos na parang normal ang sarili. Kahit may hindi nakakatawa sa sinabi ni Antoine ay sinasadya niyang tumawa para kunwari ay naaaliw siya sa mga ikinukuwento nito kahit ang totoo ay hindi naman talaga. May mga pagkakataon na natitigilan si Antoine at hinuhuli nito ang mga mata niya na mabuti na lang din ay nagagawa niyang isingkit na animo’y nakatawa rin.Kapag minsan na inaalalayan siya nito sa paglalakad o hindi kaya sa pagsakay sa kabayo ay nagagawa niyang pasimpleng umiwas sa mga hawak nito. Hindi niya alam kung napapansin ba iyon ni Antoine o hindi na lang nito binibigyan ng pansin ang pag-i
Magbasa pa
KABANATA 43
Malayo pa lang si Zarina pero tanaw na niya ang mga estudyanteng babae na nagkukumpulan malapit sa gym na madadaanan niya. Nakapaikot ito na pabilog at nagtatawanan na tila may pinagkakatuwaan na kung sino. Ang iba naman na tila walang pakialam sa mga nangyayari. Sandali lang titingin doon pagkatapos aalis na rin kaagad kapag nakita kung sino ang nasa loob ng bilog.Dala ng kuryosidad, naglakad din siya pahayon sa mga ito. Hindi niya mawari kung bakit parang bigla siyang kinabahan sa hindi malaman na dahilan. Lalo pa’t parang nakakaringgan niya ang boses ni LC na tila galit.“Anong nangyayari sa mga iyon?” tanong niya sa isang babae na umalis sa mga nagkukumpulan na estudyante.“’Yong anak ni Mayor Alexis Imperial, may binu-bully na bagong transferee. Kawawa nga iyong transferee naliligo na sa sabaw ng buko juice.”Nangunot ang noo niya sa narinig.Si LC ba ang tinutukoy nito?"Si LC?"Napakunot-noo rin ang babae na tinanong niya kapagkuwan nagkibit-balikat ito.“Hindi ako sigurado ku
Magbasa pa
KABANATA 44
Hindi pa man nag-a-alarm ang naka-set sa alarm clock sa relo ni Antoine ay kusang ng nagmulat ang mga mata niya. Nanghahapi pa ang mga mata niya dahil sa iilang oras pa lang ang kaniyang naitutulog. Hindi nga niya sigurado kung nakatulog nga ba talaga siya. Pakiramdam niya kasi dinuduyan pa siya sa antok at parang lumulutang pa ang diwa niya. Napahilamos siya ng mukha at tumagilid para kapain ang cellphone sa may nightstand. Tiningnan niya ang oras. Sampung minuto bago mag-alas singko ng umaga ng mga sandaling iyon. At kung bibilangin niya ang oras simula ng ipinikit niya ang mga mata. Mahigit dalawang oras pa lang ang lumipas. F**k! Mahinang mura ang pinakawalan niya ng mapagtanto na parang hindi nga siya nakatulog. Dahil kada gagalaw siya sa higaan niya kusang nagmumulat ang mga mata niya para silipin ang oras. Kaya pala sumasakit ang ulo niya. Napasapo siya ng kaniyang ulo at hinilot-hilot ang sentido. Ayaw naman niyang pilitin ang sarili na makatulog muli baka tanghalii
Magbasa pa
KABANATA 45
Habang inililipat niya ang mga gamit sa isang bag na dadalhin niya sa eskwelahan. Nakarinig siya ng katok mula sa pinto niya. “Pasok!” may kalakasan na wika niya habang inilalagay ang folder sa bag. Thesis niya iyon sa finance subject niya. ‘Yon ang ilang araw na niyang ginagawa na napaganda lang kagabi sa tulong ni Giselle. Habang pinaayusan niya si Giselle sa salon, tinatapos naman niya ang thesis niya dahil ngayon ang huling deadline nila. Doon lang kasi siya nagiging masipag kapag malapit na ang pasahan. Medyo istrikto pa naman ang professor nila sa finance. Napabilib siya sa utak din ni Giselle dahil ng binasa nito ang ginawa niya ay nakita kaagad nito ang maraming butas sa thesis niya. May mga binago ito at idinagdag para mabigyan ng hustisya ang kaniyang thesis. “Iha, may bisita ka sa baba si Marlon at may babaing kasama… Giselle raw ang pangalan?” parang alanganin na wika ni Manang Tising sa kaniya ng pumasok ito sa kuwarto niya. Napabaling ang tingin niya sa Mayordoma mula
Magbasa pa
KABANATA 46
“Oh, God!” malakas niyang usal ng makalabas siya sa faculty ng finance department. Hindi niya aakalain na uno ang ibibigay ni Ms. Magtibay sa ginawa niyang thesis. Bukod na unique ang ideas niya regarding sa topic na ginawa niya. Pinuri pa siya nito dahil wala itong makita na butas man lang. Impress na impress ito sa kaniya na bagay ipinagpasalamat niya talaga.“Kumusta iyong gradong ibinigay ni Mam Magtibay sa’yo, Zarina?” tanong kaagad sa kaniya ni Giselle ng makita niya. Isang mahigpit na yakap ang ginawa niya rito. Kung hindi dahil kay Giselle hindi niya makukuha ang uno na grado. Masayang-masaya ang pakiramdam niya dahil sigurado na siya na pasado na siya. Bukod kasi sa uno ang nakuha niya sa thesis. Uno rin siya sa defense niya kanina.“Oh, God! Giselle, thank you so much,” pasasalamat niya sa bagong kaibigan. “Uno ang ibinigay ni Mam Magtibay sa ‘kin,” nakangiti pa niyang wika kay Giselle matapos niya itong yakapin.“Talaga? Congratulation sa’yo, Zarina.”Ngumiti siya at muling
Magbasa pa
KABANATA 47
Pulang-pula ang mukha niya dahil sa pagkapahiya. Mabilis na hinayon niya ang hagdanan at sinadya niyang idabog ang mga para maramdaman ni Antoine ang inis niya. Hangga't hindi pa siya nakakarating sa kuwarto niya ay pigil na pigil siya sa emosyon niya na huwag kumawala sa mga mata niya ang luha na hindi naman nangyari. Dahil pagkatalikod pa lang niya kay Antoine ay kusang tumulo ang luha niya. Pagkapasok niya ay pabagsak niyang isinara ang pinto. Inis na inihagis niya ang bag sa sofa. Kasabay ng pag-upo niya, ang pagbagsak nang tuluyan ng luha niya. Tuloy-tuloy iyon na kumawala sa mga mata niya. Kung hindi lang siya nag-aalala na baka magising ang mga kasambahay nila at magsumbong sa magulang niya. Gusto niyang magwala. Gusto niyang ihagis at basagin ang mga gamit na nakikita niya sa loob ng kuwarto niya hanggang sa kumalma ang sistema niya. Sana may hawak siyang lampara para hilingin niya na sana magkaroon siya ng amnesia at hindi na niya maalala ang nararamdaman niya kay Antoine.
Magbasa pa
KABANATA 48
Pakendeng ang ginawa niyang paglakad pahayon sa may balkonahe kung saan naroon pa rin si Antoine at ang pagkain na marahil ipinahanda nito para sa kanila. Ang isang tasa na nakalapag doon ay wala ng laman. Nakaupo ito sa may pandalawahan na upuan at nakayuko habang hawak ang cellphone. Hindi niya alam kung umuwi ba ito kagabi o natulog sa isa sa mga guestroom nila na nasa ikalawang palapag din. Gusto man niya tanungin ito ay hindi na lang niya gagawin baka kasi magtunog na interesado pa siya kapag nagtanong siya. “Nandito ka pa rin?” kunwaring inis niyang sita sa lalaki para makuha niya ang pansin nito. Nang makuha niya ang atensyon nito ay halos maningkit ang mga mata nito sa ayos niya. Taas-baba ang ginawa nitong pagsuri sa kaniya at tila sa cellphone nito ibinunton dahil pabagsak nito ibinaba sa lamesa. “Ano ‘yang suot mo?” may inis na sita nito sa kaniya habang nakatingin pa rin sa uniform na suot niya. Ang blazer na ipinatong niya sa balikat kanina ay inalis niya rin kanina b
Magbasa pa
KABANATA 49
Habang nagmamaneho ng kotse si Antoine panay naman ang sulyap niya sa dalaga na tila hindi mababali ang leeg. Pirming nakatingin lang ito sa harapan o hindi kaya ay sa cellphone nitong hawak.Napakunot ang noo niya ng marinig na humagikgik ito habang may binabasa sa cellphone nito. Animo’y may ka-chat at tila nakikipagbolahan. Dahil sa tuwing nagtitipa ito ng message ay may pagkagat-kagat pa ito sa labi na parang kinikilig na hindi malaman. Kung tatawa ba o hindi.Huminga siya nang malalim.May palagay siya na baka kausap nito ang sinasabi nitong boyfriend nito. Kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito ay wala siyang ideya. Pero kung aayain si Zarina ng boyfriend nito sa kung saan mamayang pag-out nito sa eskwelahan ay hindi niya hahayaan. Hindi siya papayag na pumunta sa kung saan-saan si Zarina at gagabihin umuwi."Do you get what I'm saying?" tanong niya para makuha ang atensyon nito. Lumingon ito sa kaniya na may matamis na ngiti. Siya naman ay pinanatili niyang nakakunot ang mg
Magbasa pa
KABANATA 50
Nakahawak pa rin ang mga kamay ni Antoine sa manibela at nakayuko ang ulo. Nakatingin siya sa harapan ng patalon na suot niya na tila nag-umbrella dahil sa ginawa ni Zarina. Patigas nang patigas na iyon na parang ibig ng kumawala sa loob dahil sa pabitin-bitin na ginawa nito sa kaniya kanina. Hindi niya aakalain na ganoon ang magiging epekto sa kaniya ng ginawa ng dalaga. Marahil, sa kawalan na rin ng mapaglalabasan kaya kahit simpleng hawak lang sa hita niya ay malaking impact ‘yon sa pagkalalaki niya. Kailan ba siya huling nakipag-sex? Napailing siya ng ulo ng hindi niya maalala kung kailan. Kaya siguro ganoon ang epekto sa kaniya dahil kulang na siya sa ganoong bagay. Alam niyang ikasasakit ng puson niya ang ginawa ng dalaga sa kaniya kanina. But, damn! Anong gagawin niya? Hindi naman puwedeng makipagsabayan siya sa laro na gusto ni Zarina. Kumbaga sa larong chess, si Zarina ang may control ng board at ang didikta ng laro. Kung magtuloy-tuloy iyon paniguradong checkmate iyon at
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status