Tahimik si Javier. Pero hindi iyon katahimikang walang laman. Sa pagkakatikom ng kanyang panga, sa higpit ng pagkakakapit niya sa armrest ng upuan, malinaw ang bagabag at sama ng loob na pilit niyang nilulunok. Hindi siya umiimik, pero malakas ang sigaw ng katawan niya—ng damdaming matagal nang pinipigilan. Ang pangalawang testamento ay hindi na siya kasali, kaya't mahinahon siyang tumayo, kasama ang kaniyang pamilya. Bago umalis, humarap siya kay Zarina, pilit ang ngiting sa kaniyang labi. "Aalis na ako, iha," aniya, bahagyang tumango. "Sana... anuman ang nilalaman ng last will ng papa mo, hindi ito maging dahilan para maputol ang ugnayan natin bilang magkamag-anak. Kung sakaling may kailangan ka—anumang bagay—pumunta ka lang sa Negros. Huwag kang mag-atubili." Napalunok si Zarina. May kirot sa lalamunan, pero pinilit niyang ngumiti sa Tito niya. "Salamat po, Uncle Javier. Ingat po kayo sa pag-uwi. Jaz, James, and Auntie Wilma." Tumango lamang ang mga ito, walang imik, ngunit
Huling Na-update : 2025-06-13 Magbasa pa