Mariing pinunasan ni Luna ang luha sa mukha at taas noong tinitigan sa mga mata ang Ina. “I know, and I’m grateful for that. Kasi ramdam ko ang pagmamahal ni Daddy para sa ‘kin. Kaya please, hayaan mo na ako, ‘Mmy, na mahalin ang taong gusto ko.”Ayaw pa ring paniwalaan ni Liliane kung ano mang salita ang lumalabas sa bibig ng anak.Hanggang sa nanghimasok na ang Mayordoma. Pumasok siya sa kwarto at nilapitan si Liliane. “Ba't hindi ka muna kumalma, Liliane,” minsan lang niya tawagin sa pangalan ang Amo. Kapag kailangan niya itong sawayin at pakalmahin.Dahil hindi na iba ang Mayordoma para kay Liliane. Tinuturing na niya itong miyembro ng pamilya sa tagal ng pinagsamahan nila.At gano'n din ang Mayordoma na si Myrna. Itinuturing na niyang kapamilya si Liliane. Dahil bata pa lamang ito ay naninilbihan na siya sa pamilya ni Liliane noon hanggang sa mag-asawa ito at bumuo ng sariling pamilya ay lagi siyang naro’n, hindi ito iniwan.Matapos masabihan ng Mayordoma si Liliane ay kay Marcus
Last Updated : 2023-11-13 Read more