Share

Kabanata Setenta y cuatro

PAGKAALIS NG KOTSENG SINASAKYAN nina Scarlette at grupo nila Soronio ay agad na tumakbo sa parking lot si Marcus. Sumakay sa inarkelang sasakyan para sundan ang mga ito.

Sinadya niyang balewalain si Scarlette kanina upang hindi makahalata sila Soronio dahil maaaring i-report kaagad siya sa oras na maghinala ang mga ito. Pagkarating sa highway ay tinawagan niya si Timoteo, “’Lo, nasa’n ka na ngayon?” tanong niya.

“Sa’n pa ba sa tingin mo? Ikaw na bata ka, sa dinami-rami ng pwede mong utusan ay ako pa talaga!” reklamo ng matanda.

“Naka-monitored si Papa at Lucas. Kayo na lang ang naiisip ko na pwede nilang hindi paghinalaan," mahabang paliwanag ni Marcus.

“Sino ba kasi ‘yang tinutukoy mo na tuta ni Ramon sa kapulisan?”

“Inaalam na ni Papa,” sagot ni Marcus. “Dumiretso na lang kayo sa address na pinadala ko at magdala na rin kayo ng doctor… mas mainam kung wala pang lisensya.”

“Naku ka talagang bata ka. Sa’n naman ako maghahanap ng doctor sa bansang ‘to na hindi pa lisensyado?!”

“Kaya ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status