All Chapters of HER SWEET REVENGE: Chapter 11 - Chapter 20
24 Chapters
Chapter 4.1
Nagising siya dahil isang mabigat na bagay na nakapatong sa kanyang beywang. Ramdam na ramdam ang ngalay ng kanyang tiyan dahil sa mabigat na bagay na nakapatong dito. Pagkamulat niya ng kanyang mga mata ay agad niyang tiningnan kung ano iyon at halos mapasigaw siya sa labis na gulat. Nagpabalik- balik ang tingin niya sa nakapatong na kamay sa kanyang tiyan at sa mukha ng taong katabi niya ng mga oras na iyon. Doon lamang niya natanto kung ano ang ginawa niya kagabi. Sa puntong iyon ay tyaka lamang gumana ang kanyang isip at tila bumalik lahat ng katinuan niya sa katawan. Napahilamos na lamang siya sa kanyang mukha. Ano ba itong nagawa ko? Tanong niya sa kanyang isip. Napakagat labi na lamang siya dahil hindi niya alam kung ano nga ba talaga ang pumasok sa utak niya kagabi at pumayag siya na mangyari ang mga nangyari. Hindi kaya isipin nito na napakababa niya dahil nakuha siya agad nito? Napamura na lamang siya sa kanyang isip at napakamot sa kanyang ulo dahil sa katangahang naga
Read more
Chapter 4.2
Hindi niya alam kung gaano katagal ang naging byahe niya, halos mag- uumaga na at halos sumilip na ang liwanag sa kalangitan nang makarating siya sa kanyang unit. Mabilis niyang ibinaba ang ilan niyang gamit at pagkatapos ay nagtungo sa kanyang banyo. Binuhay na niya ang tubig at pagkatapos ay tinimpla na ito. Pagkatapos niyang gawin iyon ay mabilis na niyang hinubad ang kanyang mga damit upang lumublub sa bathtub. Napapikit siya ng maramdaman ang mainit na tubig na dumikit sa kanyang balat. Ramdam na ramdam niya ang pag- ginhawa ng kanyang pakiramdam dahil sobrang bigat ng pakiramdam niya. Idagdag pa na may kaunting kirot siyang nararamdaman sa pagitan ng kanyang mga hita. Napapikit siya ng mariin dahil sa ginhawang dulot ng mainit na tubig sa kanyang katawan. Hanggang sa ipinikit na niya ng mariin ang kanyang mga mata. Dito na muna siya maglulublob sa bathtub. ----HINDI niya alam kung ilang oras siyang nagbabad sa bathtub. Ang tanging alam niya lamang ay maliwanag na noong lum
Read more
Chapter 4.3
"Sir?" Tawag sa kanya ng sekretarya niya ngunit tila hindi niya iyon naririnig. "Sir?" Ulit muli nito ngunit hindi niya pa rin nagawang lingunin ito.Hanggang sa tinapik siya ng isa niyang kasama na nasa board meeting kaya tila nahimasmasan siya at nagising siya sa malalim niyang pag- iisip. Lumingon siya sa kanyang sekretarya na nasa harap nilang lahat at ipinapaliwanag ang bago nilang proyekto. "Yes?" Tanong niya rito. Bigla naman itong nagulat at halos manlumo na ito sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Ilang saglit pa itong natahimik bago nakabawi at pagkatapos ay huminga ng malalim at tyaka muling humarap sa kanila at pagkatapos ay muling nagsalita. "Kanina pa siya salita ng salita, and you are not listening." Natatawang sabi ni Argus na nasa tabi niya. Tinaasan niya na lamang ito ng kilay at itinuon ang atensiyon niya sa pakikinig sa sinasabi ng sekretarya niya. Ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isip ang babaeng gumugulo sa kanyang
Read more
Chapter 4.4
Narinig niya ang mahina nitong pagtawa. Napalunok na lamang siya ng marinig ito at pagkatapos ay hinintay ang mga susunod nitong sasabihin. "Hmm, ako na lang ang pupunta sa place mo." Mahinang sabi nito at halatang- halata sa boses nito na kagigising lang. Sunod naman niyang narinig ang paghikab nito. "Oh sorry, did I interrupt your sleep?" Tanong niya rito habang nakangiti. "Medyo... " Tumatawang sagot naman nito sa kabilang linya at pagkatapos ay muli na naman niyang narinig ang paghikab nito sa pangalawang pagkakataon. Puyat siguro ito kagabi isa pa ay baka maaga itong umalis kanina kaya ngayon lamang ito bumabawi ng tulog at bigla naman siyang nakunsensiya dahil dito. "Sorry sweetie." Malambing niyang hingi ng paumanhin dito. "Matulog kana muna, ako nalang ang pupunta sayo mamaya." Sabi niya rito dahil kung pupuntahan na niya ito kaagad ay alam niyang hindi nanaman ito makakatulog. Makakapagtiis pa naman siya kahit papano kaya okay lang sa kanya. "No, ako na lang----" "No.
Read more
Chapter 4.5
Alas kwatro na ng hapon nang tingnan niya ang kanyang wall clock na nakasabit sa kanyang kwarto. Katatapos niya lamang maligo ng mga oras na iyon at halos kalalabas niya lang ng kanyang banyo, sa katunayan nga ay nakasuot pa siya ng roba at may twalya pa ang kanyang buhok nang tumunog ang kanyang doorbell. Bigla siyang napatingin sa kanyang itsura ng mga oras na iyon kung angkop na ba at pwede siyang lumabas upang harapin ang nasa labas. Marahil ay ito na ang delivery boy ng pizza na inorder niya. Niyuko niya ang kanyang sarili, bagamat wala siyang suot na panloob ay makapal naman ang suot niyang roba kaya maayos namang natatakpan ang nasa ilalim nito kaya napakibit balikat na lamang siya at pumunta na sa pintuan. "Salama----" Nabitin ang kanyang sasabihin ng mapag- buksan ang nasa labas. Nanatili pa ngang nakabuka ang kanyang bibig dahil hindi niya inaasahan na ito ang mapagbubuksan niya ng pinto. Isang mapang- unawang ngiti ang sumilay sa mga labi nito at pagkatapos ay tiningnan
Read more
Chapter 4.6
Kumuha siya ng dalawang beer on can sa kanyang ref. Mas maganda ng beer ang inumin nila para hindi rin sila madaling masuya sa manok na kinakain nila.Isa pa, wala namang kanin iyon at puro manok lang din naman kaya iyon na lamang ang napili niyang kuhanin.Ilang sandali pa ay bumalik na siyang muli sa sala dala ang inumin na kinuha niya. Ibinaba niya ito sa harap nito at pagakatapos ay umupo sa tabi nito. Pagkaupo nga niya ay dinampot niya agad ang remote control ng telebisyon na nakapatong sa lamesita na nasa tabi niya lang naman.Agad niyang ini- on ito, hindi dahil gusto niyang manuod ng kung ano mang pelikula o programa sa telebisyon kundi para mawala ang awkwardness na bumabalot sa pagitan nilang dalawa.Hindi nagsasalita ito, bagkus ay nakatitig lang din sa telebisyon at hindi niya alam kung nanunuod nga ba. Well, nasa tabi niya ito at hindi niya ito tinitignan kase nahihiya siya at baka sabihin nito na masyado niya itong tinititigan kaya ginagamit na lamang niya ang kanyang pe
Read more
Chapter 4.7
Nagsimulang mag- init ang kaniyang katawan dahil sa halik at haplos nito lalo na nang umpisahan nitong masahein ang isa sa kaniyang dibdib. Napakagat labi siya dahil sa sensasyong binubuhay nito sa kaloob- looban niya. Nagsimulang mag- init ang pakiramdam niya kahit nakabukas naman ang aircon. Ramdam na ramdam niya ang nag- uumpisang apoy sa pagitan ng kaniyang mga hita. May kung anong pumipintig doon. Hindi niya napigilan ang kaniyang bibig na magpakawala ng isang ungol. Awtomatikong lumabas iyon sa kaniyang bibig. Lalo na ng umpisahan nitong sapuhin ang isa sa mga iyon at isinubo. Napahawak ang isa niyang kamay sa buhok nito at ang isa naman ay sa likod ng ulo nito. Sinusubukan niya paganahin ang kaniyang utak ng maayos ng mga oras na iyon ngunit alam niya sa sarili niyang hindi niya na ito mapipigil pa dahil iba ang sinisigaw ng katawan niya. Nagugustuhan ng katawan niya ang ginagawa nito ng mga oras na iyon. Ang mga labi nito na nasa kaniyang dibdib ay nag- iiwan ng nagbab
Read more
Chapter 4.8
Tahimik silang dalawa habang magkatabi sa sofa habang nakasindi pa rin ang telebisyon. Walang gustong umimik pagkatapos ng namagitan sa kanilang dalawa.Nang mga oras na iyon ay nakasuot na rito ang boxer nito at siya naman ay naisuot na niya ang kaniyang roba. Ang nararamdaman niyang hilo kanina ay bigla na lamang nawala pagkatapos nilang magniig ni Steffano.Ilang sandali pa ay inipinatong nito ang kamay nito sa kaniyang mga hita at pagkatapos ay narinig niya ang pagbuntung hininga nito."I'm sorry kung naistorbo kita." Mahinang sabi nito. Nilingon niya ito at nakita niyang nakapikit na ito at pagkatapos ay nakasandal sa sofa.Mukhang pagod ito sa trabaho at tila ba problemado. Gusto niyang tanungin ito kung bakit ganito ito ngunit alam niya namang wala siyang karapatang magtanong rito.Habang nakatitig siya rito ay hindi niya maiwasang tumitig sa matangos na ilong nito at sa makakapal nitong mga pilikmata. Kahit mababakas ang pagod sa mukha nito ay gwapong- gwapo pa rin ito at hind
Read more
Chapter 5
Malakas na ring ang gumising kay Nicole. Nakapikit pa niyang inabot ang walang planong tumigil sa pagtunog na alarm- clock na nakapatong sa kaniyang drawer na nasa tabi ng kaniyang kama. Nakapikit pa niyang inabot ito at pinatay. Napakaaga naman yata ng alarm niya masyado dahil inaantok pa siya. Pagkapatay nga niya ng alarm clock ay nagtalukbong siya ng kumot. Inaantok pa siya. Puyat pa siya kagabi dahil halos ala- una ng madaling araw ng umalis si Steffano sa condo niya. Masyado siya nitong sinulit na akala mo hindi sila magkikita ng matagal. —------ Isang ring na naman ang nagpagising kay Nicole, sa punto namang iyon ay hindi na tunog ng alarm clock kundi tunog na ng kaniyang cellphone. Ring ng ring ito at tila ba wala itong balak tumigil. Napilitan tuloy siyang bumangon upang hanapin ang kaniyang cellphone na hindi niya alam kung saan niya nga ba nailagay kagabi. Isa pa ay sino ba iyong tawag ng tawag sa kaniya na umagang- umaga. Halos katutunog lang ng alarma clock niya at nga
Read more
Chapter 6
Napabuga ng hangin si Nicole at pagkatapos ay napaupo sa kaniyang kama, katatapos niya lang mag- empake ng kaniyang mga gamit ng mga oras na iyon. Medyo napagod siya dahil madami din siyang mga damit pero hindi naman lahat ay ikinarga niya sa kaniyang maleta. Pinili lamang niya ang mga inilagay niya, mga damit pang opisina at syempre ang mga damit na pang- akit niya kay Steffano. Hindi pwedeng mawala ang mga iyon dahil unang- una ay iyon naman talaga ang plano niya. Ilang sandali pa nga ay napatitig siya sa isang maletang damit niya. Hanggang kailan kaya siya mananatili sa tabi nito? Hindi niya alam kung gaano katagal ang gugugulin niyang panahon para tuluyang maisakatuparan ang paghihiganting hinahangad niya. Pero kailangan niyang bigyan ng palugit ang sarili niya dahil hindi naman pwedeng ubusin niya ang kaniyang oras sa paghihiganti lamang kay Steffano. Napatitig siya sa kisame, ganun na rin sa kabuuan ng silid niya. Ilang buwan niya kayang hindi makikita ang condo niya. Muli siya
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status