Lahat ng Kabanata ng Marry Him At The Age Of Eighteen: Kabanata 11 - Kabanata 20
46 Kabanata
11 Iba Pang Dahilan
Elijah's POV Habang hinihintay niya ang niluluto ng katulong niya ay pumasok muna siya sa kwarto niya para kumuha ng gamot. Laging may nakatabing gamot sa kwarto niya dahil sa biglaan na sakit na dumadapo sa kanya, dahil sa pagtatrabaho ng matagal siguro. Pagkatapos niyang kuhanin ang gamot ay pumasok siya ulit ng kwarto ni Charlotte. Nakadilat na ito habang nakatingin sa paligid. "Inumin mo nga pala ito pagkatapos mong kumain." Nilapag niya ang gamot sa ibabaw ng table sa gilid ng kama. "Nasaan ako?" Nagsalubong ang kilay niya, mukhang napansin nito ang itsura ng kwarto. "Sa kwarto mo." "Kwarto ko?" Tumingin ito sa kanya ng nagtataka. "Yes, this is your room now." "Ibig sabihin, ito yung kwarto, katabi ng kwarto mo?" Tumango siya. "Akala ko ba ay sa kwarto mo ako matutulog?" "I thought you don't want near me? So, why ask?" "I mean... 'di ba ayaw mong mahirapan ka in case na may tumawag sa pamilya nating dalawa?" Napabuntong-hininga siya. "Okay na rin siguro na bumukod ka
Magbasa pa
12 Bakit Nga Ba?
Charlotte's POVNapadilat siya ng may humawak sa kamay niya, bahagya siyang lumingon kay Elijah na pinupunasan ang braso niya. Napapaisip tuloy siya sa sinabi nito kanina. Bakit nga ba niya pinili ang kasal kaysa ipakulong si Elijah? Ano nga bang pumasok sa isip niya para piliin ang kasal? Nabigla lang ba siya o sadyang hindi niya kayang ipakulong ito kahit nakagawa ito ng kasalanan sa kanya. Sadya bang napalaki siya ng magulang niya na maganda, kaya hindi niya kayang gumanti sa mga taong na-agrabyado siya, ganun ba ang nangyari? Pinairal niya ang lambot ng puso niya kaya siya nakasal ngayon na wala ng bawian? Kung siya ang tatanungin, okay lang na hindi sila makasal ni Elijah at hindi rin niya ito ipapakulong, pero ayaw ng magulang niya, nagalaw siya kaya kailangan daw na panagutan siya ni Elijah.Tumitig siya sa mukha ni Elijah habang inaabot nito ang isang braso niya para punasan. Gwapo talaga ang lalaking 'to, kahit hindi ngumiti, wala ding pimple na makikita sa mukha nito, ang ki
Magbasa pa
13 Benepisyo Bilang Kaibigan
Elijah's POVNang natapos sila ni Charlotte na kumain ng umagahan ay kanya-kanya na silang alis ng bahay, ihahatid na sana niya ito hanggang sa sakayan ng tricycle papunta ng sakayan naman ng bus, pero tumanggi na ito.Hininto niya ang kotse niya sa tapat ng building na pagmamay-ari niya, habang patuloy pa rin na naglalakad papasok ay hinihintay na siya ng security guard niya sa bukana ng building. Binigay niya ang susi dito saka tuloy-tuloy na naglakad papasok. Tumingin siya sa relo niya sa pulso, hindi pa naman siya gaanong late. "Give the important papers, that I will sign this day," saad niya sa secretary niya habang hindi huminto sa paglalakad hanggang sa makapasok siya sa opisina.Nang nakaupo ay pumasok naman ang secretary niya dala ang papeles na kailangan niyang pirmahan, kasama na ang naging pending noong nakaraang araw dahil naging busy siya sa labas ng kumpanya, at sa kasal nila ni Charlotte."Thank you."Umalis na ang secretary niya at inumpisahan naman niyang basahin a
Magbasa pa
14 Mas Malala
Charlotte's POVPinagpapawisan siya ng malamig ngayon habang nakaupo sa loob ng classroom. Akala niya ay okay na siya nang umalis siya ng bahay nila ni Elijah, pero bumalik kaagad. Nagpapasalamat na lang siya dahil tapos na siyang mag-present ng project niya bago niya naramdaman na parang nanghihina ang katawan niya.Katabi niya si Marry, kaya lumapit ito habang busy ang ibang estudyante sa pag-present ng project nila. Ang teacher naman nila ay nasa harap nakaupo, sa upuan ng estudyante."Okay ka lang ba? Ang lamig ng classroom pinagpapawisan ka.""Medyo sumama ang pakiramdam ko."Kumunot ang noo ni Marry. Pinatong nito ang palad sa noo at leeg niya. "May lagnat ka. Bakit pumasok ka pa?""Wala na 'to kanina ng pumasok ako, bumalik lang pagkatapos kong mag-present.""Umuwi ka na kaya muna, tapos naman na ang sayo."Ngumiti siya. "Mamaya na lang pag-lunch time na.""Okay, pero kaya mo pa ba? Kung hindi sasabihin ko kay ma'am na pauwiin ka na dahil may lagnat ka.""Kaya ko pa.""Sige, Ma
Magbasa pa
15 Sino siya?
Charlotte's POVHumarap siya sa boses ng babae sa likuran niya, tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Puro itim ang suot nito, ang tanging naiba lang sa kulay ay ang balat at pulang buhok nito na nakatali ng mataas, para siyang gangster na makikita sa eskinita. May makeup din ito na makapal na itim din, maging ang lipstick."Again. Who are you?" tanong ulit nito sa kanya.Hindi siya makapagsalita, parang konting pagkakamali lang sa sagot niya parang sisigawan siya ng babae sa harap niya ngayon."Are you dumb?" Nakataas na ang kilay nito kaya mas tinginin na matapang. Umiling naman siya. "So. Why don't you try to answer my question? Who are you?""Charlotte." Sagot niya.Naningkit ang mata nito saka dahan-dahan na lumapit sa kanya, bahagya pa siyang napalunok dahil ang lapit ng mukha nito sa mukha niya."Infairness, ang kinis ng face mo, may skincare ka?"Napakunot ang noo niya. "Wala po." "Ha?" Napapikit siya sa gulat sa pagsigaw nito. "Unfair naman, nakikita mo ba 'tong face ko,
Magbasa pa
16 Ang Kapatid Ni Elijah
Elijah's POVPumasok sila sa kwarto niya at hinarap si Charlotte sa kanya. Tinitigan niya ang mukha nito."Sigurado ka bang okay ka na?""Gumaan na ang pakiramdam ko, nasuka ko na ang dapat isuka, kaya bukas mas okay na ako."Tumango naman siya. "Hindi ka naman ba sinaktan ni Elisse?""Hindi, pero may sakit ba siya sa pag-iisip? Bakit ganun ang inaakto niya?"Lihim siyang napangiti. Mukha naman kasing baliw ang kapatid niya sa itsura nito ng dumating siya."Ganun talaga siya, paiba-iba ng mood, pero mabait 'yon mukha lang hindi.""Yung damit niya sa cabinet mo. Parang hindi naman niya sinusuot 'yon, base sa suot niya ngayon.""Kung paiba-iba siya ng mood, ganun din ang fashion niya." Sinalat niya ang leeg ni Charlotte. Malamig na ang nararamdaman ng kamay niya, mukhang tama ang sinasabi nito na magiging okay na ito bukas."Bakit nga pala siya umuwi dito?""Trip na naman niyang dito tumira."Kumunot ang noo ni Charlotte."Akala ko ba hindi siya dito nag-stay? Ang sabi mo nagpapalit lang
Magbasa pa
17 Tensyon
Charlotte's POVHindi niya alam ang irereact niya sa sinabi ng kapatid ni Elijah sa paggamit nito pansamantala ng kwarto niya."Pag-pasensyahan mo na si Elisse.""Totoo ba ang sinabi niya?"Bumuntong-hininga si Elijah. "Papayag ka ba na doon muna siya? Pero ayaw niya ng may katabi kaya dito ka matutulog sa kwarto na 'to, katabi ko."Napatingin siya sa kama ni Elijah, at napangiwi.Meron nga siyang kwarto pero isang beses pa lang niyang nagagamit, tapos dahil sa kapatid ni Elijah, dito siya matutulog."Ano, Charlotte? Okay lang ba sayo? Kung hindi ka comportable na makatabi ako, dito ka doon na lang ako sa sala."Umiling siya. "Okay lang.""Are you sure?""Oo.""Okay. Mag bibihis lang ako, sabay na tayong bumaba."Tumango naman siya. Pumunta ito sa cabinet at kumuha ng damit pamalit bago pumasok ng banyo.Kinuha niya muli ang nabitawan niyang picture frame kanina ng pumasok ang magkapatid. Wedding picture nila iyon ni Elijah na walang kangiti-ngiti na makikita sa labi nilang dalawa. Na
Magbasa pa
18 Ano Nga Ba Ang Sikreto?
Charlotte's POVNang natapos silang kumain ay pumasok siya kaagad sa kwarto niya para magpalit ng damit. Nagmamadali pa siya para hindi lang maabutan ng ate ni Elijah, pero sadyang ayaw siyang pagbigyan ng pagkakataon dahil paglabas niya ng banyo ay nakaupo na ito sa kama habang nakatingin sa kanya na parang binabasa ang kanyang buong pagkatao.Ngumiti ito sa kanya. Hindi naman niya alam kung ano ang gagawin kaya pasimple siyang lumakad sa gilid papunta sa pintuan palabas."Saan ka pupunta?"Tumingin siya dito. "Sa kwarto ni Elijah.""Hmmp...halika upo ka muna dito, mag-uusap lang muna tayo kahit saglit ng tayo lang."Akala niya nakalusot na siya sa kapatid ni Elijah. Ayaw niya sanang makausap ito ng sila lang dalawa dahil parang laging may sasabihin na masakit na salita."Hindi kita kakagatin, Charlotte. Masama man ang bibig ko sa kapatid ko, iba naman sayo, kaya halika na rito."Lumakad siya at umupo sa kabilang side ng kama. "Ano ba ang pag-uusapan nating dalawa?" panimula niyang t
Magbasa pa
19 Honey?
Charlotte's POVHabang nakapikit at malapit ng kuhanin ng antok, bigla namang umubo si Elijah. Nagulat siya kaya napadilat ang mata niya, hindi niya kasi inaasahan 'yon.Inayos niya ang kumot niya, pero umubo na naman ito ulit, kaya lumingon na siya kay Elijah. Nakita niyang naka-angat na ang kalahati ng katawan nito, at habang umuubo na naman ay napatingin ito sa gawi niya."Nagising ka ba? Sorry.""Palalim na sana ang tulog ko, nagulat lang ako sa ubo mo.""Pasensya na, mukhang magkakaroon ako ng trangkaso."Napansin niya nga na biglang lumamlam ang mata ni Elijah na okay naman kanina. Basta talaga sakit bigla na lang dadapo kaya magugulat ka lang na iba na ang timpla ng katawan."Nahawa ka ata sa akin. Ang lapit mo kasi sakin noong isang gabi."Sumandal ito sa ulunan ng higaan at pumikit. "I don't know." Yumuko siya sa binti niya na yakap na niya ngayon. Saka inalala kung paano nga ba mahahawa si Elijah sa kanya, kumunot ang noo niya at parang wala naman, pero yung hininga niya si
Magbasa pa
20 Kwintas
Elijah's POVBinaba niya ang tasa nang wala ng laman na ginger tea. Okay naman ang lasa dahil sa honey, na lessen naman ang taste ng ginger pero nando'n pa rin ang anghang.Lumingon siya kay Charlotte. Alam niyang hindi pa ito tulog, masyadong madiin ang pagkakapikit ng mata nito."Mas lalo kang hindi makakatulog pag ganyan ang ginawa mo."Dumilat naman ito sa nanlilisik na mata. "Bakit alam mo 'yon?""Pag curious ang isang tao, dapat ginagawan ng paraan para mahanap ang solusyon, kaya alam ko na mas lalong hindi makakatulog ang isang tao pag stress ang mukha mo.""Hindi naman stress ang mukha ko.""Sa pagpikit pa lang ng mata mo ng madiin, stress na 'yon sa mukha mo, Charlotte.""Anong dapat gawin para makatulog?"Pinatong na niya ang dalawang paa sa kama, at nagkumot. Sumandal muna siya bago sagutin ang tanong ni Charlotte. "Don't think too much."Kumunot ang noo nito. "Hindi naman ako nag-iisip ng kung ano habang nakapikit.""One of the reasons why you may struggle to fall asleep
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status