SAMARA POV "Uhmm..." Napaungot ako nang magising. Sa garden na pala ako nakatulog. Kinapa ko sa bag ko ang phone ko para i-check kung may message si Monica, saka ko napansin na may nakabalot na kumot sa akin. Sa isang kamay, hawak ko ang nawawala kong kwintas. Agad na napakunot ang noo ko. "Wait, nahanap ko ba 'to kagabi? Hindi ko matandaan." Napakamot ako sa ulo ko. Sa sobrang pagod ay pumupurol na ang memorya ko. "Hindi bale. Ang importante, nahanap ko na ang kwintas ko." Itinago ko 'yon sa pitaka ko kasi baka pagdiskitahan na naman ni Monica. "Ms. Samara! Ms. Samara!" Patakbong lumapit sa akin si Luchi. Parang may kung anong dalang balita. "Oh, Luchi? Ang aga-aga, nagsisisigaw ka." "Si Sir Marius po kasi, 'yong inaanak ni Mr. Sanchez. Nag-apply ng trabaho sa atin. Ginawang janitor ni Ma'am Monica." Namilog ang mga mata ko. "Ano?! Paano maglilinis 'yon? E, bulag 'yon." "Kaya nga. Alam ni Ma'am Monica. Sinabi ko sa kanya, at wala siyang pakialam." Base sa pananalita niya a
Read more