SAMARA POV “Here, French toast, Caesar salad at lasagna. Ako ang gumawa ng mga ‘yan,” nakangiting sambit ni Monica matapos ilapag sa mesa ang mga pagkaing dala niya. Naglabas din siya ng plato at kurbyetos na iniabot niya sa ‘kin. Nasa mini-park kami ng Northford University. Ilang araw na rin siyang nagluluto sa mansyon. Nagpapaturo siya kay Manang Letty. Sinasadya niyang damihan para makatikim ang mga kasambahay namin. Mukhang nawala na talaga ‘yong pagiging maramot niya. Hindi na rin kami nagbabangayan. Una kong sinubukan ang French toast. “Hmm, masarap,” lehitimo kong komento. Nalasahan ko ‘yong butter. Matamis pero ‘di nakakaumay. “Talaga? Mabuti naman nagustuhan mo,” natutuwang tugon ni Monica. Naglabas siya ng isa pang paper bag na iniabot niya sa ‘kin. Makapal at maganda ang disenyo na may pulang ribbon. Mukhang mamahalin ang laman. Pagkabukas ko, isang branded na gintong wristwatch na may nakaukit pang mga dyamante. Napasinghap ako dahil sa pagkamangha. “Wow, para sa ‘ki
Terakhir Diperbarui : 2025-06-29 Baca selengkapnya