SAMARA POVHindi ko napansin na ilang minuto na pala akong nakatitig lang kay Marco. Kay gara ng suot niya, halatang branded. Hindi tulad rati na nakokontento na siya sa kupas na polo shirt. Maayos din ang postura niya. Disenteng-disente. Siguro natapos niya ang pag-aaral niya na hindi tulad ko. Mukhang maayos na rin ang buhay niya ngayon.“Pakidagdagan ang order ko ng dalawang cake,” kausap niya sa akin.Doon naputol ang iniisip ko. Alisto kong dinampot ang papel at ballpen. “Uhm, ano po ang gusto niyong flavor, sir?”Natigilan siya, mukhang napaisip, saka siya ngumiti sa ‘kin. “Ikaw, mukhang masarap…” simpatiko niyang sabi.Napaawang ang mga labi ko. Napakurap nang dalawang beses. “Ha? Ako? Masarap?” Loko ‘to, ah.Tumikhim siya nang mapagtanto na mali ang nasabi niya. “I mean, mukhang masarap kang mamili ng cake. Hindi ko naman mababasa ang menu,” kaswal niyang pagdadahilan.Lumabi ako at napatango. Oo nga pala, bulag siya.“Ah, red bean cake na lang, sir, tsaka… chestnut cake. Mag
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-09-05 อ่านเพิ่มเติม