SAMARA POV1 week later…Alas syete ng gabi. Pumuslit ako para makapasok sa Northford University. Pumunta ako sa burol kung saan minsan kaming nangarap ni Marco.‘Girl, sure kang okay ka lang d’yan, ah? Pupuntahan talaga kita kung hindi,’ nag-aalalang sabi ni Candice sa kabilang linya ng telepono.Mahina akong natawa. “Okay nga lang, nandito lang naman ako para magpahangin. Hindi ako tatalon sa bangin,” biro ko sa kanya.‘Hay, sa rami ng nangyari sa buhay mo, worried talaga ako. Talo pa ang rollercoaster. Para kang pinaikot-ikot. Buti at hindi ka nahilo,’ tugon niya sa akin.Tipid akong ngumiti. “At the end of the day, na-realize ko na may rason ang lahat. Mabuti na rin na nawala si Daddy dahil alam kong nahihirapan na siya sa sakit niya. ‘Di ako nakapagtapos ng pag-aaral, pero matututukan ko naman ang paglaki ng anak ko. Baka naging katulong din ako para matuto ng gawaing bahay. May positibo pa rin naman.”‘Ha? Bahala ka nga. Mabuti na lang at ninang ako niyang anak mo. Bibilhan ko s
Last Updated : 2025-08-30 Read more