THIRD PERSON POV Pagkarating sa hotel ay bumungad kina Mrs. Licaforte at Atty. Santivanez si Monica. Nagtaka ito kung bakit magkasama sila, pero hindi naman ito nag-isip nang masama. “Siya ba ‘yong sinasabi mo na kakilala mo rito, Mommy?” tanong ni Monica sa ina. Agad namang nagdahilan ang ginang. “Ah, no. Nagkita lang kami sa daan papunta rito. Mag-isa raw kasi siya kaya inimbitahan ko na for dinner. Tutal, close naman sila ng daddy mo,” pagsisinungaling nito. Hindi na tumugon pa ang anak niya. “Attorney, you're here,” nakangiting bungad ni Mr. Licaforte. Nakipagkamay siya sa abogado. “Kumain ka na ba?” tanong nito. “Hindi pa po, Sir. Makikikain sana ako. Mukhang masarap kasi ang ulam dito,” sagot ni Atty. Santivanez na pasimpleng tumingin kay Mrs. Licaforte. Sa pilyo nitong ngiti ay mukhang iba ang ibig sabihin. Napatikhim na lang ang ginang. “Oh, Olivia. What’s that?” pagtukoy ni Mr. Licaforte sa dala-dala niyang paper bag. Naagaw naman no'n ang atensyon ni Monica
Terakhir Diperbarui : 2025-06-12 Baca selengkapnya