Lahat ng Kabanata ng Chasing Love A Second Chance At Forever: Kabanata 21 - Kabanata 30
84 Kabanata
Kabanata 20 Nasty Scheme
“Arwena, ano ba? Mananahimik ka na lang ba talaga hah? Hahayaan mo na lang ba ako na mabaliw sa pag-iisip kung anong special connection mayro’n kayo ng kapatid ko?” Kanina pa paulit-ulit na tinatanong ni Archie ang kaibigan na si Arwena tungkol sa special connection na sinasabi ng kapatid niya. Sa nakita at ginawa ni Archie kanina kay Mr. Tan, natatakot si Arwena, na baka gamitin na naman ni Archie ang malalaman nito laban sa kapatid niya. At ayaw niya na maipit si Nathan sa gulo ng magkapatid. “Ay naku, Wena, kung akala mo ay titigilan kita sa pangungulit, hindi mangyayari ‘yon. Kaya sabihin mo na kung gusto mong maging tahimik ang pagsasama natin," padabog na sabi ni Archie. Nagsisi tuloy si Arwena kung bakit sumama siya kay Archie. Wala naman kasi siyang choice, kung hindi niya lang sana pinagtaasan ng boses ang Mama niya kanina, dapat sana ay doon sila umuwi ni Nathan sa bahay nila at hindi sa condo ni Archie.Alam niya kasi kung gaano ka kulit si Archie. Hinding-hindi ito
Magbasa pa
Kabanata 21 B*tch
Lumapad ang ngiti ni Farah nang hawakan ni Mr. Tan kamay niya. Napakagat labi pa siya nang hinila siya nito palapit sa katawan niya. Siya ang nang-aakit, pero siya ang naakit.Sa simpleng hawak lang ni Mr. Tan sa kamay niya ay parang ginaganahan na siya. Pinagpapawisan at nag-iinit ang katawan. Nakarating na rin sa kung saan ang isip niya. Sino ba naman ang hindi maaakit sa lalaki na nasa kanya na ang lahat. Gwapo, mayaman, at higit sa lahat masarap. She can’t wait to see him naked. Hindi na siya makapaghintay na makasama ito sa kama, at ipatikim sa kanya ang putahe na siguradong hahanap-hanapin niya. Walang inarte, agad lumingkis ang isang kamay nito sa braso ni Mr. Tan. “Saan mo ako dadalhin, Mr. Tan?" tanong ni Farah, sa walang ka ngiti-ngiti na si Mr. Tan. Seryosong sulyap lang kasi ang tugon nito sa tanong niya. Kahit pinagdidiinan pa nga ni Farah ang dibdib niya sa braso ni Mr. Tan ay hindi pa rin niya ito nakitaan ng reaksyon. Wala ni kaunting emosyon na makikita sa mukha
Magbasa pa
Kabanata 22 Galit
“What the heck, Farah? You smell like hell!" Pisil ni Jake ang ilong, at nandidiring nakatingin sa girlfriend nitong parang nangalkal ng basura. “Is this your way of having fun? Ang maglaro sa basurahan o kanal?" nangiinis na tanong ni Jake. Kahit pisil nito ang sariling ilong at nadidiri kay Farah, hindi naman niya mapigil ang tawa. Alam nga kasi niya ang kaartehan sa katawan si Farah, kaya alam niya rin na kung ano man ang nangyari dito, siguradong hindi niya ito ginusto. “Ang baho-baho mo, Farah! Saan ka ba sumuot ha? Nagsawa ka na ba na humiga sa kama ng mga mayaman na gusto mong huthutan, at sinubukan mo naman sa basurahan?" tanong ni Jake na ngayon ay pinipigil na ang tawa. Para na kasing maiiyak sa inis si Farah. “Shut up! Hindi ka nakakatuwa!" sikmat ni Farah, at nagdadabog na pumasok sa kwarto nila. Sobrang naiinis siya sa ginawa sa kanya ni Mr. Tan. Napahiya siya. Pinagtawanan ng mga tao. At ang mas nakakainis ay wala man lang ni isa na tumulong sa kanya. Hinayaan l
Magbasa pa
Kabanata 23 Pagnanasa
Matamlay at parang walang ganang kumilos si Arwena. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Hindi nga kasi siya nakatulog ng maayos kagabi. Bukod sa matagal natapos ang pag-uusap nila Archie, hindi pa mawala sa isip niya si Mr. Tan.Ngayon nga ay para siyang lutang. Kakatingin nga siya sa mga susi na hawak, hindi naman niya alam kung alin ang gagamitin niya sa pagbubukas ng pinto ng coffee shop.Naukupa ng magkapatid ang utak niya at sa maaring mangyari sa susunod na mga araw na alam niya na kailangan niyang paghandaan. “Kung sabihin mo na lang kay Tandre ang totoo, Wena. Siya ang tunay na ama ni Nathan, kaya may karapatan siya na malaman ang totoo. Mali na itago mo sa kanya ang katotohanan na may anak kayo." Iyon ang ginigiit ni Archie kagabi na gusto niyang gawin ng kaibigan. Pero kahit anong sabihin ni Archie, buo na ang loob ni Arwena na itago ang katotohanan sa lahat. Lalo na kay Mr. Tan.Ang gusto niya ay matapos na ang issue sa coffee shop; makabalik na sila sa Maine, at magi
Magbasa pa
Kabanata 24 Banta
“Lumayo ka! Layuan mo ako, please,” paulit-ulit na sigaw ni Arwena. Hindi na rin niya magawang tingnan si Jake. Basta sumalampak na lang siya sa sahig habang takip ang mga palad sa tainga. Nanginginig na rin ang mga kamay nito na ikinagulat ng husto ni Jake. Hindi na ito gumagalaw sa kinatatayuan at naguguluhan tumitig na lang kay Arwena. Pero maya maya ay parang nahimasmasan naman siya. Kahit naguguluhan, mabagal na siyang lumapit kay Arwena. Umupo siya sa harap nito. “Weng, sorry, hindi ko naman intention na takutin ka. Wala naman akong balak na masama sa’yo.” Paliwanag nito kay Arwena. Akmang hahawakan niya para aluin, pero lalo lang itong tumili at nagmamakaawa na naman na layuan siya na para bang may masamang mangyayari sa kanya. “Weng, ano ba ang nangyayari sa’yo? Bakit ka ba nagkaganyan?” Nag-alalang tanong ni Jake. Inaamin naman niya sa sarili na medyo iba nga ang tingin niya kay Arwena kanina. Nagnasa siya. Hindi kasi niya mapigil ang sarili, talagang na gagandahan
Magbasa pa
Kabanata 25 Nathan's Lola
Matapos ang nakakatakot na banta ni Mr. Tan kay Jake, agad na niya itong iniwan at pumasok na sa kotse kung saan nagtataka namang naghihintay si Ted. Akala niya kasi ay papasok pa ito sa coffee shop, pero si Jake lang pala talaga ang sadya nito. Nakita nga kasi niya na pinagduduro ni Archie si Jake. Nakita niya pa na umiyak si Arwena. Kaya na praning at hinarang si Jake. Si Jake naman ay parang na tuod na sa kinatatayuan nito. Hindi sadya na makaramdam siya ng takot sa naging banta ni Mr. Tan sa kanya. Takot na nagpakabog ng malakas sa dibdib niya.Hindi sa naduduwag siya; natatakot lang siya para sa pamilya niya. Kung yaman lang naman ang pag-uusapan ay hindi naman pahuhuli ang pamilya niya. Pero sa nakikita niya sa mga mata ni Mr. Tan kanina, alam niya na seryoso at may pangil ang sinasabi nito. Kaya kahit sabihin pa na mayaman sila—walang magagawa ang yaman ng pamilya niya sa yaman at kapangyarihan na mayro’n si Mr. Tan.Magagawa nitong pabagsakin ang negosyo nila, isang salita
Magbasa pa
Kabanata 26 Mag-ama
Malapit na sina Arwena at Archie sa Denovan Hotel, pero hindi pa rin tumigil si Arwena na talakan ng talakan ang kaibigang si Archie. Talagang naiinis siya sa kaibigan niyang hindi nag-iisip. Ang dami na niyang problemang kinakaharap, dumagdag pa ang ginawa nito. “Sorry na nga, Wena. Nawala lang talaga isip ko na maari palang magkita ang mag-ama sa hotel. Si mommy kasi ang laman ng utak ko. Gusto ko lang naman na mapasaya si mommy, at nangyari na nga ‘yon, Wena. Ang saya niya nang malaman niya na may Anak na palang napaka-cute ang panganay niyang halimaw," paliwanag ni Archie kay Arwena na gusto na yata siyang sapakin. Kanina pa kasi kuyom ang kamao nito. At alam ni Archie na nanggigigil ito sa kanya. Kung hindi nga lang siguro siya nagda-drive ngayon ay siguradong matinding sabunot at mga hampas na ang napala niya. “Naintindihan mo naman ang nararamdaman ni Mommy, hindi ba, Wena? Kasi isa ka ring ina. Alam mo kung gaano kasakit sa pakiramdam na hindi ka tanggap at hindi ka nirer
Magbasa pa
Kabanata 27 Lukso ng Dugo
Napatitig na lang si Mr. Tan sa bata na ang lakas ng loob na sitahin siya dahil sa maling pakikitungo nito sa nanay niya na minsan ay hindi pinaramdam sa kanya ang pagmamahal ng isang ina, at ngayon ay ang lakas ng loob na magpakita sa territory niya. Galit na galit siya kanina nang makita ito na parang ang saya pa habang kumakain kasama ang bata, at kaya siya lumapit sa mga ito ay para paalisin sila—ang itaboy sila palabas sa hotel niya. Pero dahil sa batang nakatitig na rin sa kanya ay hindi na niya magawa na magsalita pa. Hindi niya alam kung bakit, pero natutuwa siya sa bata. Bata pa lang kasi ito, pero marunong nang ipagtanggol ang Lola nito laban sa kanya. Kinakapa-kapa rin nito ang baba niya na katulad ng ginagawa niya ngayon. Parang ginagaya ang mga galaw niya. Si Mr. Tan naman ay sinundan ng tingin ang bawat galaw ni Nathan, na ngayon nga ay kinakalabit na ang Lola niya at bumulong pa. Hindi tuloy mapigil ni Mr. Tan ang mapakunot-noo. Bakit kailangan pa nitong bumulong,
Magbasa pa
Kabanata 28 Karma
“What makes you think, na nahihirapan ako na magsabi ng totoo, Mr. Tan?" Mapaklang tumawa si Arwena. Tumigil na rin siya sa pagtulak kay Mr. Tan. Wala din naman kasing silbi ang ginagawa niya. Ang lakas nga kasi nito na parang mabangis na hayop na nakatingin sa kanya habang nasa pagitan siya ng mga braso nito. Kaya heto, nilakasan na lang niya ang loob na harapin ito, kahit ang mga paa niya ay parang bibigay na. “Ano ba talaga ang issue mo, Mr. Tan? Bakit ka ba galit ha? Ano naman sa’yo kung hindi ko sinabi na may anak ta—kami ni Archie?” Dahil sa tension, muntik pang madulas si Arwena sa sinasabi nito. Mabuti na lang at nakabawi siya. Mabuti na lang at parang walang naririnig si Mr. Tan dahil mula kanina, puro titig lang ang ginagawa nito sa kanya. “Porket ba magkaibigan tayo, obligasyon ko na sabihin sa’yo kung ano ang mga nangyayari sa buhay ko? Pati ba mga personal na bagay ay kailangan ko pa na e-kwento sa’yo?” madiin na tanong ni Arwena na sinabayan niya pa ng matalim na t
Magbasa pa
Kabanata 29 Chance
“Tara na nga, Archie. Tantanan mo na ang kapatid mo sa katitingin. Baka malusaw ‘yan," sabi ni Arwena sabay hila kay Archie na hindi pa rin tinigilan si Mr. Tan ng tingin. Kilala niya kasi ang mga kasama nito. Ang mag-asawang Muzenda, na siya ring ka meeting ng Mommy niya, kaya sila narito ngayon. “Archie, ihatid mo na sila Arwena at Nathan, balikan mo na lang ako mamaya," sabi ni Lucia na ngayon ay nakatingin na rin sa table ng mag-asawang Muzenda at Mr. Tan. “Are you sure, Mom? Pwede pa naman kaming mag-stay, at saka, hindi naman siguro kayo magtatagal sa meeting n’yo," sagot naman ni Archie. Ayaw nga niya kasing iwanan ang Mommy niya rito sa hotel na kasama ang kapatid. At saka, hindi alam ni Mr. Tan na kasama ang Mommy niya sa meeting nila ng mag-asawang Muzenda. Natatakot siya na baka, sumpungin na naman ito ng pagka-halimaw kapag may hindi nagustuhan sa meeting nila. "Archie, alam ko na nag-aalala ka na maiwan ako rito habang kasama ang kapatid mo, but I’ll be fine. I’m
Magbasa pa
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status