“Hindi sapat ang pagmamahal para baliwin mo ang sarili mo at manakit ng iba.”Biglang may kumatok sa pinto. “Sir, ready na po kami,” sabi ng pulis mula sa labas.“Vicky… last chance para makinig ka sa’kin. Paglabas ng kwarto na ’to… simula na ng buhay mo sa loob ng kulungan. Kaya kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na ngayon.”“Clarkson… sorry…”Tumango siya. Hindi naman siya bato para hindi tanggapin ang sorry nito.Lumabas siya ng kwarto, sinara niya ang pinto, at narinig na lang niya ang pagkaluskos ng mga pulis sa loob habang kinukuha na si Vicky.Habang naglalakad palayo, gumaan na din ang kanyang pakiramdam, tapos na ang lahat ng problema.Bumalik siya sa kwarto ni Jolisa, at nang pagbukas niya ng pinto ay nakita niya itong nakangiti habang nauubos ang pagkain.“Sir! Ubos na oh!” proud na sabi ni Jolisa, sabay taas ng pinggan.“Good,” sabi niya, pumasok at sinara ang pinto. “Kasi hindi ako aalis hangga’t hindi ka tuluyang lumalakas.”Ngumiti ito sa kanya na parang walang ini
Last Updated : 2026-01-25 Read more