Habang nakikipag-usap si Clarkson sa kanyang tito, naramdaman niyang unti-unting lumiliyab ang galit at guilt sa kanyang dibdib. Parang may mabigat na batong nakaipit sa lalamunan niya, at hindi niya alam kung paano bibitawan.Pagkababa niya ng tawag, mabilis siyang bumalik kina Aria, nakatingin sa kanya ang nobya, halatang nag-aalala.“Babe? Ano nangyari kay Jolisa?” mahina pero puno ng tensyon ang tanong nito.Lumapit siya kay Aria at hinawakan ang kamay nito. “Nasa ospital si Jolisa… critical. Si Vicky… siya ang may kagagawan.”Napatakip ng bibig si Aria, hindi makapaniwala. “Oh my God…”Nagkatinginan ang mga magulang nila, kapwa nag-aalala pero nagpigil ng mga tanong para hindi ma-stress si Aria.Humigpit ang hawak niya sa kamay ng nobya. “Babe, kailangan kong umalis, kailangan kong bumalik sa Pilipinas. Kailangan kong makita si Jolisa… at si Vicky. Kailangan kong ayusin ‘to.”Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Aria, halatang natatakot. “Sasamahan kita,” sagot nito.“Hindi, babe.”
Last Updated : 2026-01-21 Read more