“Naku, Ate Rosabel, baka ito na po ang unang pagkakataon na magkakamali si Lola!” pabulong na sagot ni niya habang pilit na ngumingiti. “Masyado pong malayo ang agwat namin ni Tito—ay, ni Tyler.”“Hahaha! Iyan din ang sabi ni Aria noon kay Clarkson, at ‘kuya’ din ang tawag niya kay Clarkson! Tingnan mo sila ngayon, kasal na!”Bigla siyang kinabahan. "Totoo ba?"“Trust the process, Jolisa. At saka, bonus na lang na guwapo si Kuya Tyler. Siyempre, pinsan ko ’yan, nasa lahi na namin ’yan. Suplado lang talaga ’yan, pero deep inside, he’s a softie.” sabi ni Ate LillyHindi siya makapaniwala. Softie? Si Tyler? Parang mas maniniwala pa siyang lilipad ang mga kabayo kaysa maging malambot ang puso ng aroganteng lalaking iyon!Nang matapos ang huntahan, isa-isa nang nagpaalam ang mga ito para magpahinga dahil maaga ang biyahe ng mga ito bukas. Naiwan siyang nakatayo sa veranda, nilalasap ang malamig na simoy ng hangin, nang maramdaman niyang may tumayo sa likuran niya.“Take this,” boses ng isa
อ่านเพิ่มเติม