“Jolisa, eto nga pala si Korning. Ako naman si Manang Belinda.”“Hihihi… Belinda pala ang pangalan mo, Manang. Buti nasabi mo. Puro ‘Manang’ lang kasi ang tawag ko sa’yo.”Napangiti ang matanda sa sinabi niya.“Eto naman ang pamangkin ko, si Margie,” sabay turo nito sa batang babae.“Hello, Ma'am Jolisa.”“Ate Jolisa na lang ang tawag mo sa akin. Hindi ako amo dito, bakasyunista lang,” nakangiti niyang sabi.Nag-umpisa na silang kumain at nagtawanan.“Hindi kaya tayo pagalitan dahil parang mga amo tayo dito kung makaupo at kumain ng masarap na pagkain?” natatawang sabi niya.“Hindi naman siguro. Kahit si Señora Beth, sinasabayan din namin sa pagkain lalo na kapag mag-isa siya rito. Gusto kasi nun maraming tao dito sa rancho, pero hindi naman niya mapilit ang mga apo niya dahil busy rin sa mga negosyo.”Sandali siyang naawa kay Lola Beth. Kung totoong lola niya lang ito, hindi niya iiwan. Kaunting panahon na lang ang natitira sa buhay nito sa mundo, dapat ay sinusulit na makasama.“Ala
Read more