Kinabukasan ay dumating na ang lahat ng kanilang mga pinsan at pamilya. Kitang-kita sa mukha ni Lola Beth kung gaano ito kasaya. Kasalukuyan itong nasa garden kasama si Lola Teresita, naka-upo lang ito sa wheelchair habang si Lola Teresita ang nagkakalkal ng lupa. Si Lolo Kardo at Lolo Gregore ay nasa kabilang upuan at mukhang na-miss din ang isa’t isa.“Mabuti naman at naaalagaan mo pa ang tanim natin dito, Beth,” masayang sabi ni Lola Teresita. Paghahalaman ang bonding ng dalawa. Mahilig kasi maghalaman si Lola Teresita at nahawa na rin si Lola Beth.“Naku, Lola Tere, hindi na nakakapag-garden si Lola Beth. Ikaw nga lang ang nakakapagdala sa kanya dito sa garden. Kung wala kayo dito, palagi lang siya sa kwarto. Pero inuutos naman niya na palaging diligan at alagaan ang mga halaman na tinanim ninyong dalawa,” kwento ng nurse.“Okay lang ’yon, Beth. Ngayon at andito na naman ako, magtatanim na naman tayo ng mga bagong halaman para may aalagaan ka na naman.”“Ihihihi… salamat, Tere. Ma
Mehr lesen