PRETZEL POV:Sinundan ni Pretzel ang tingin sa likod ni Tyler habang papalabas ng kwarto. Mabuti na lang at nakumbinsi niya itong lumabas at siya muna ang bahala kay Pretzel.Pagkasara ng pinto, agad naglaho ang ngiti sa labi niya. Dahan-dahan siyang napalingon kay Jolisa. Sila na lang dalawa ang naroon.Tahimik ang buong kwarto. Tanging ang mahinang tunog ng monitor ang maririnig. Bawat beep ay tila nagpapaalala na buhay pa ang babaeng nasa harap niya.Lumapit siya nang marahan. Huminto siya sa tabi ng kama at tinitigan si Jolisa. Ang inosenteng mukha nito, ang maputlang labi, ang walang kalaban-labang katawan.“Ewan kung bakit, ano ang nakita ni Tyler sa’yo. Oo, maganda ka, pero I’m sure mas marami pang magagandang babae siyang nakilala kaysa sa’yo,” bulong niya, halos hindi marinig.Pero habang tumatagal, napagtanto niya kung bakit nagustuhan ito ni Tyler... Jolly ang dalaga, magaan kasama, at higit sa lahat maalaga. Nakita niya kung paano nito alagaan si Tyler.Paano niya nakita? W
Read more