Melting The CEO's Cold Heart의 모든 챕터: 챕터 31 - 챕터 40
77 챕터
Chapter 31: Like?
"Manong, can I ask-ahm pwede ho ba magtanong? Saan po ba dito ang sakayan papuntang"- dinukot niya ang sketch na may address sa bag- "Ahm, Sta. Maria, Bulacan?" "Ah, pa-Bulacan ba kamo? Diyan sa SM North, may mga sakayan diyan papuntang Bulacan. Green na bus, ineng," nakamuwestra ang kamay na sagot ng tricycle driver na napag-tanungan ni Keirah. Nagpalinga-linga siya. Tatawid pa pala siya ng footbridge. Hay, masakit na ang paa niya. Napakainit pa. Mali naman kasi ang binabaan sa kanya ng taxi. Nalulukot na ang itsura niya. Pawis na pawis na din siya, habang binabaybay ang footbridge para makarating sa kabilang dulo. Nakahinga siya ng maluwag nang marating niya ang sakayan. Pasimple niyang sinulyapan ang SM. Namimiss niya na mag-shopping. ‘Hayaan mo na Keirah, laban lang’ pag-aalo niya sa sarili. Ganoon na nga. Kailangan niya lang lumaban. Kailangan niya pang malagpasan 'tong init ng araw. "Oh Miss, saan ka bababa?" tanong ng konduktor sa kanya. "Sta. Ma
더 보기
Chapter 32: Peanuts
“HIJA, bukas ka na umuwi at gabi na” Tumanaw sa labas si Keirah. Tama nga si Yaya Lucing, madilim na sa labas. Tiningnan niya ang oras sa wristwatch na suot. Alas-syete na ng gabi. Sa dami ng dokumento, inabot na siya ng gabi kakahintay sa Boss niya. Kaya ganun na nga lang ang gagawin niya, bukas na siya uuwi. “Ahm, may malapit po bang Inn dito?” tanong niya sa matanda. “Eh, bakit magi-Inn ka pa? Maraming guest room dito, gagastos ka pa,” ani yaya Lucing habang ginigiya siya sa kusina. “Nagluto ako ng tinolang manok at sinaing na isda, kumain muna tayo” Napangiti si Keirah, tulad ng yaya Lolly niya mabait din pala itong yaya ng Boss niya. Siguro kapag nagkita ang dalawang ito ay magkaka-sundo kaagad. “Sige po, kung okay lang. Pero hindi naman po ako nagugutom,” pagsisinungaling ng dalaga pero ayaw makisama ng sikmura niya dahil kumulo iyon sa harap ng matanda. Napangiwi siya. “Ah, hehe. Nagugutom na po talaga ako” “Oh siya, halika na ipagsasandok kita habang
더 보기
Chapter 33: Confess
“I’M sorry, I’m just worried” Habang nakasubsob ang mukha ni Keirah sa dibdib ng binata ay hindi niya mapigilan ang mga luha na tumulo. Inaamin niya sa sarili na iyakin talaga siya. Ultimo maliliit na bagay ay iniiyakan niya. Tulad nito, kaunting sagutan lang umiiyak na siya. “S-sir?” she can’t stop her sobbing. “Sir?” “O-oh,” bahagya siya nitong tinulak palayo, parang ngayon lang nito napagtanto ang pagyakap sa kanya. Pinunasan ng dalaga ang mga luha sa pisngi. Humihikbi-hikbi pa rin siya habang inaayos ang sarili. “Uuwi na po ako,” matuwid niyang sabi. Ayaw niya na din pati na maka-istorbo. “Hija, ang sabi ng doktor kailangan mo daw muna magpahinga. Saka ka na lumuwas kapag talagang okay ka na,” ani yaya Lucing. Kararating lang nito. Tiningnan ni Keirah ang matanda. “Pero manang-” “Just do what the doctor said,” putol ni Davidson sa kanya. Wala ng nagawa si Keirah. Nakakahiya naman kung tututol pa siya eh si yaya Lucing na ang nakiusap sa kanya. H
더 보기
Chapter 34: Avoid him before it's too late
"KEIRAH. Hoy Keirah, bakit ba tulala ka dyan?" "H-ha?" inalis ni Keirah ang kamay mula sa pangangalumbaba. "Ang sabi ko, bakit ka tulala diyan?" tumabi si Melanie sa kanya. Nasa cafeteria sila ng Montevella Corp. at kumakain ng lunch. "Kakainin mo pa ba yan?" turo nito sa mga pagkaing inorder niya pero hindi niya pa ginagalaw. Umismid siya. "Oo naman 'no. Nagugutom din ako," pinilit niyang maging kaswal ang boses saka inumpisahang kumain. "Are you sure, you're okay?" paninigurado ni Melanie. "Oo" Pero sa loob ni Keirah, nagtatanong ang isip niya. Paano siya magiging okay?! Aber? Nahalikan siya ng isang Davidson Montevella. At ang worst pa, tumugon siya! (Flashback) "Avoid me. And don't make me wanna do this" Hindi pa man siya nakakapag-salita, lumapat na ang mga labi ni Davidson sa labi niya. Nanlalaki ang mga mata ni Keirah sa paghalik sa kanya ni Davidson. Akmang itutulak niya ito, ngunit nang lumapat ang mga kamay niya sa dibdib ng lalake ay para siyang
더 보기
Chapter 35: The Truth and Dare
"ALING TESS! Tao po!" sigaw ni Melanie sa labas ng bahay ng Landlady. Maya-maya'y bumukas naman ang pinto. Lumabas doon ang matabang babaeng kulot, walang iba kundi si Aling Tess. "Bakit, ineng? Ang sarap ng tulog ko eh," pagsusungit pa nito. Tumawa lang si Melanie. "Pasensya ka na po. Eh magbabayad po kasi ako ng upa. Ayaw mo ba? Hahaha." "Upa? Hindi ba sinabi sayo ng kaibigan mo?" nakakunot ang noo na tanong ni Aling Tess. "Ang alin po?" nagtaka siya sa sinabi nito. "Hays, buti na lang talaga kahit papaano ay mabait ako. Kung iba lang, baka hinayaan ka na magbayad kahit bayad naman na." "Bayad na? Paano nangyari yun eh ngayon ang bayaran ng upa sa inyo?" "Oo, binayaran na ng kaibigan mo ang upa ninyo. Sabi niya pa nga huwag ko na daw sabihin sayo, eh paano ko naman ba gagawin yun?" kwento pa ni Aling Tess. 'Ano bang sinasabi niya? Teka? Binayaran ni Keirah ang upa?' Nagsimula ng macurious si Melanie sa mga nangyayari. "Bigatin yata ang kaibigan mo, Melanie eh. Biruin mo,
더 보기
Chapter 36: Pictures N' Betrayal
Isang MMS message ang natanggap ni Keirah mula sa unknown number. Agad niyang tiningnan iyon. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang mga picture sa message. Siya yun. Mga stolen pictures. Mga picture niya na kumakain sa cafeteria, nagxe-xerox ng files, kahit sa labas ng building ay may mga kuha siya. Biglang kinabahan si Keirah. Halos lahat ng picture na yun ay naka fitted knee-length skirt ang suot niya. Typical na suot ng isang sekretarya. Ang pinagtataka niya ay bakit may mga kuha siya na ganun at mula pa sa unidentified person. "Hala girl, ano yan?" nanlalaki ang mga mata ni Melanie ng ipakita niya dito ang mga larawan. "May nag-send sa akin through MMS. Pinagtataka ko lang bakit may mga kuha ako dito sa loob?" nakakunot na ang noo niya. Alam niyang may mga ganito talaga. Stalkers. Ang hindi niya alam kung bakit halos karamihan ng picture ay sa loob ng kumpanya nakuhaan. "Gusto mo i-report natin sa taas? Hindi natin alam ang motibo ng kumuha niyan," nag-aalang
더 보기
Chapter 37: Betrayed
“EUNICE?” Her eyes began to travel to both of them. Nakayuko si Eunice halatang hindi siya nito matingnan ng diretso, kabaliktaran ni Maureen na sinasalubong ang matatalim na mga tingin niya. ‘Dakila talagang impakta!’ “I thought you were busy, Eunice? And I came here alone to buy some presents for you, despite finding you here with that girl?” her teeth started to clench. “Keirah, I’ll explain-” “You don’t have to, Eunice,” Maureen cut Eunice off. Napairap siya. So, ngayon magsusund-sunuran na si Eunice sa babaeng ‘to? She crossed her arms and rolled her eyes. “Oh come on, Eunice. I trusted you, na busy ka talaga. Then why the hell magkasama lang pala kayo ng higad na ‘to?” tumataas na ang boses ng dalaga dahilan para mag-silingunan na sa kanila ang mga tao sa mall. “Excuse me? So hindi ka pa pala nakakamove-on. Gosh, girl, one year ago na yun. And Leo, he’s always been a bastard at wala nang anupamang namamagitan sa amin,” pinamewangan siya nito. “Is that so?” tumawa s
더 보기
Chapter 38: Hurting
“‘ADOR, hon? Wala pa bang balita kay Akira? Ilang buwan na ang lumilipas,” malungkot na tanong ni Emily sa asawa habang kumakain sila ng hapunan. “Hinahanap na siya ni Davidson, honey. ‘Wag ka ng mag-alala,” anito habang naghihiwa ng beef steak. Huminga ng malalim si Emily. Nalulungkot siya. Hindi niya alam kung maniniwala pa ba siya kay Davidson. “Pero ang tagal niya ng wala, Ador. Hindi ka ba nag-aalala kung nasaan ang anak mo?” bahagya ng tumataas ang boses ni Emily, ngunit manatiling kalmado ang asawa. Nilapag nito ang tinidor at meat knife sa mesa at nagpunas na ng tissue sa bibig bago tumayo. “I have to go.” Magsasalita pa sana siya pero naglakad na ito palabas ng dining room. Naiwan si Emily sa hapag-kainan. Panay ang buntong-hininga niya. Pinagmasdan niya ang mesa, dati-rati’y masasaya pa silang tatlo na kumakain dito. Ngayon ay wala na si Akira, at hindi niya alam kung saan hahanapin ang anak. “Manang Lolita!” tawag niya kay Yaya Lolly. Agad na
더 보기
Chapter 39: Tatsulok
“ANOTHER glass of Brandy, please” “Bro, sigurado ka ba diyan? Lasing ka na oh,” nag-aalalang tinapik ni Leo sa balikat si Davidson.. “I’m not. Hindi naman ako manghihingi ng isa pa kung lasing na ko ‘di ba?” sarkastikong sagot ni Davidson sa kanya kahit na nakayukyok na ito sa mesa ng counter. “Haha, bro. You’re obviously already drunk. Ano ba kasing problema mo?” tanong niya habang sinisipat ang itsura ng kaibigan. Mukha itong miserable, tapos naglalasing pa. Bihira itong dumalaw sa Bar niya. Kaya ngayon ay nagtataka siya kung bakit ito napadpad sa Bar niya para maglasing. “Bro, may problema ba?” Tanging ‘hmm’ lang ang sinagot nito sa kanya. A second of silence passed, and finally, Davidson started to talk. “I have this girl,” panimula nito. Kumurap-kurap si Leo. Nae-excite siya kung magkukuwento ito. Never pa kasing nagkwento ito ng love life. “So tapos?” nagsisimula na siyang mapangiti habang inaabangan ang susunod na sasabihin ni Davidson. “
더 보기
Chapter 40: Tatsulok Part 2
SA LABAS NG PRIVATE ROOM.. “Can you please sit down? Nahihilo ‘ko sayo,” sita ni Alexander kay Davidson. Nakaupo ito waiting bench. Kanina pa kasi siya paroo’t parito habang naghihintay ng Doctor na lalabas. “Bakit ba nandito ka pa?” iritang hinapyawan niya ng tingin si Alexander. Alexander smirked at him. “Hello? Baka nakakalimutan mo, ako ang driver niyo.” “Sorry. Mukha ka naman kasing driver diyan sa suot mo,” nangaasar niyang tinuro ang asul na polo shirt nito at itim na slacks. “Gwapo pa rin,” tumaas ang mga mata nito sa ere. Tingin ni Davidson ay mas matanda siya kay Alexander. Mabilis itong mapikon at childish. “Excuse me.” Sabay silang napalingon sa Doctor na lumapit sa kanila. “Doc, how is she?” tanong agad ni Davidson. Makikita talaga ang pag-aalala sa mukha niya. “Ano po bang nangyari sa kanya?” si Alexander. Tumayo na din ito at tumabi sa kanya. “She has Acute Gastritis but don’t worry it’s non-erosive.” “Gastritis?” -Davidson.
더 보기
이전
1234568
DMCA.com Protection Status