Semua Bab BOUGHT BY THE BILLIONAIRE: Bab 21 - Bab 30
130 Bab
Chapter 18
Naiinip na sa kakahintay si Berry, kanina pa siya nagpapalakad-lakad na pabalik-balik sa loob ng silid kung saan siya iniwan ng lalaking naghatid sa kanya roon."Bakit naman napakatagal dumating ng hinihintay ko? gusto ko ng malaman kung ano ang dahilan kung bakit siya nagbayad ng malaking halaga para sa akin?" aniya sa sarili at naupo sa mahabang sofa na naroon sa silid dahil napagod na rin sa kanyang ginagawa."Ano bang balak niyang gawin sa akin? mukha naman siyang mabait kahit na medyo istrikto ang dating niya sa malayuan? Bakit parang kakilala ko na siya?" tanong niya pa sa hangin."Sana yung lalaki na lang na tumulong kay Marife ang nanalo sa bidding kanina. Kung sa kanya ako napunta ay pwede ko ng makasama uli si Marife o kaya kahit na malaman ko man lang kung nasaan ang kaibigan ko. Sino kaya siya? kasama pa kaya n'ya si Marife? sana ay makita kong muli ang gwapong lalaki na yon," wika niya pa sa sarili habang naghihintay sa nag bid sa kanya ng twenty million."Kumusta kaya si
Baca selengkapnya
Chapter 19
Nagising si Berry na mababanaag ang pagtataka sa kanyang mukha. Mataas na ang sikat ng araw sa labas ng magising siya at napansin niyang napalitan na ng ternong pajama ang suot niya kagabi bago siya nakatulog.Napabalikwas siya ng bangon ng maisip niyang baka pinagsamantalahan na ang balingkinitan niyang katawan kagabi habang siya ay tulog. Agad niyang sinuri ang kanyang katawan ng paulit-ulit.Napahinga siya ng malalim ng masigurado niya sa sarili na wala namang nangyari sa kanyang masama. Napahawak pa nga siya sa kanyang pagkab*bae para lang masigurado na wala ngang nangahas na gumalaw sa kanyang private part.Nag antanda pa nga siya at umusal ng pasasalamat sa hangin ng wala siyang maramdamang masakit sa maselang parte ng kanyang katawan.Inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kwarto, malaki iyon at may sariling banyo. Napansin niya ang damit na nasa ibabaw ng kama na malapit lang din sa kanyang tabi.Dinampot niya iyon at tiningnan. Isang bagong pares na panloob na pamba
Baca selengkapnya
Chapter 20
"Fe, hindi ako mapakali. Iniisip ko kung paanong si Jayden ang kasama ko ngayon at hindi ang lalaking nagbayad ng dalawampung milyon para sa akin?" nagugulumihanang tanong pa rin ni Berry ng hindi pa rin sila binabalikan ng lalaki sa hapagkainan."Hindi ko rin alam ang sagot eh!. Ang alam ko lang ay sinigurado niya sa akin na maiuuwi ka niya rito sa bahay niya pagbalik niya galing ng auction," wika ni Marife."Nakita ko nga kase si Jayden sa harapan ng stage pero ang lalaking nag bid ng twenty million sa akin ay nasa itaas at hindi ko namukhaan kaya sigurado akong hindi siya," saad pa ni Berry."Ganito na lang para maliwanagan ka, tanungin mo siya mamaya kapag kayo na lang dalawa ang magkausap," suhestyon ni Marife sa kaibigan."Nakakahiya, pwede bang ikaw na lang ang magtanong para sa akin. Malapit ka naman na sa kanya di ba, kaya okay lang siguro kung ikaw na ang magtanong sa kanya," wikang nakikiusap ni Berry kay Fe na inilingan siya ng ulo nito."Bakit ako ang magtatanong? Ikaw da
Baca selengkapnya
Chapter 21
"Tapos na kayong mag usap ni Jayden?" tanong ni Fe kay Berry ng makalapit sa kanya ang kaibigan."Oo, iniwan ko siya sa library.""Ang bilis naman ng pag uusap ninyo. Naitanong mo ba sa kanya ang gusto mong malaman?" muling tanong ni Marife at hinawakan si Berry at inakay palakad papunta sa likod ng kusina.Nagpatianod naman si Berry sa kaibigan. Naupo sila sa upuan na naroon."Anong sabi n'ya sa iyo, nagpaliwanag ba?" tanong ni Marife."Naipaliwanag niya na sa akin. Siya ang nagbayad ng twenty million, Kaibigan niya ang nakipagbid para sa kanya dahil yun talaga ang plano nila.""Siya nga ang bumili sa 'yo sa auction?" "Oo, Marife. Siya ang nakabili sa akin kaya pagmamay ari niya na ako," at napahinga ng malalim si Berry."Bakit parang hindi ka natutuwa na si Jayden ang nakabili sa 'yo, Berry?" komento ni Marife."Sino naman kayang tao Marife ang matutuwa na binili ang buong pagkatao mo. Pasalamat na lang ako dahil sa mabuting tao naman ata ako napunta. Pero kase Marife sinabi niya s
Baca selengkapnya
Chapter 22
Inaya ni Marife si Berry na pumasok ng kwarto ng makaalis na si Jayden."Fe, anong gagawin ko? kami lang dalawa ang pupunta ng isla," saad ni Berry na parang bata na nagsusumbong."Ano bang ginagawa sa isla, Berry?" natatawang balik tanong ni Marife sa kanya."Naman eh! Fe, hindi ako komportabke na nasa tabi ko si Jayden," pagmamaktol pa ni Berry."Gaga, pagmamay ari ka na nung tao di ba at alam mo 'yon. Ikaw pa nga ang nagsabi sa akin kanina," pa angil na wika ni Marife."Yun nga!, sinabi ko naman sa kanya na hindi pa ko handa. Paano kung pilitin niya ako roon kapag kami lang ang magkasama?" nangangambang wika ni Berry."Ay ang arte mo Berry ha! ilang taon ka na nga uli? bente dos ka na, hindi ka na teenager, okay! Isa pa alam kong naaattract ka rin naman kay Jayden, nagpapakipot ka lang eh!" saad pa ni Marife na hindi mapigilan na hindi bumungisngis."Bakit, sinabi ko ba na ayaw ko sa kanya? Ano naman pati kinalaman ng edad ko? Hindi naman sa nagpapakipot ako, natatakot lang ako Fe.
Baca selengkapnya
Chapter 23
Nakaidlip na si Berry ng balikan siya ni Marife sa silid niya. Hindi naman nakalock ang pinto kaya malayang nakapasok si Marife sa loob."Berry, gising..," tinapik tapik pa ni Marife ang braso niya."Uhmm..," ungol ni Berry."Anong uhmm..? gumising ka na at ayusin mo ang sarili mo. Nandiyan na yung secretary ni Jayden," saad ni Marife at umupo sa tabi ni Berry na ayaw pang bumangon."Inaantok pa ko, Fe." tinatamad na wika ng dalaga."Mamaya mo na ituloy ang tulog mo. Bumangon ka na at ayusin mo ang sarili mo dahil susukatan tayo ni Arianne. Nakakahiya na humarap ka sa kanya na may panis na laway ka at muta. Baka sabihin kay Jayden, nakakahiya naman di ba?!." turan ni Marife na ikinabangon agad ni Berry."Ayos ah ang bilis nakabangon!" natatawang wika ni Marife.Hindi na siya pinansin pa ni Berry at dumiretso na ng pasok sa banyo ang dalaga.Mabilis na naglinis ng katawan, mukha at nagsepilyo. Nagsuklay lang siya at inayos ang suot na damit."Okay lang ba ang ayos ko?" tanong ni Berry
Baca selengkapnya
Chapter 24 part 1
Nang makapagpaalam na si Marlon kay Marife ay agad na pinuntahan ng dalaga si Berry sa kwarto nito.Nagdiretso na ng pasok si Marife dahil hindi na naman inilock ni Berry ang pintuan. "Umalis na ba si Marlon?" tanong agad ni Berry pagkapasok ni Marife."Oo, kakaalis lang niya. Tingnan mo Berry, binigyan niya ko ng cellphone para raw matawagan o maitext niya ko kapag namimiss niya ko. Grabe ang sweet niya Berry," kilig na kilig na wika ni Marife."Ay ang galing naman niya, maganda yang ibinigay niya sa 'yo. Pwede mo ng makausap palagi ang inay mo at mga kapatid mo. Ikumusta mo ko sa inay mo ha!" ani ni Berry na natutuwa para sa kaibigan."Oo nga eh, nakausap ko si inay nung nasa ospital pa ko. Pinagamit sa akin ni Marlon ang cp niya noon. Naiinlove na ata ako talaga sa kanya Berry." "Gaga, sabi mo kikilalanin mo muna ng husto di ba! huwag ka munang bumigay," payo ni Berry sa kaibigan."Pwede naman pagsabayin," pabirong sagot ni Marife sa kanya."Bahala ka, basta pinaalalahanan kita F
Baca selengkapnya
Chapter 24 part 2
Alas onse na ng gabi ng makabalik ng bahay niya si Jayden. Inaasahan na niyang tulog na sina Marife at Berry ng oras na yun.Ngunit gising pa rin pala ang dalawa at nagkukwentuhan ng sumilip siya sa kwarto ni Berry."Sorry.., tinignan ko lang kung tulog na si Berry," paliwanag ni Jayden agad ng makita niyang napatingin sa kanya ang magkaibigan."Ah, hindi pa kase kami inaantok kaya nagkwentuhan pa kami," wika ni Marife dahil biglang natahimik ang kaibigan niya."Pwedeng pumasok?" tanong ni Jayden."Oo naman, pasok ka," sagot ni Marife.Tumango naman si Berry kaya ngumiti na rin si Jayden."Okay na ba ang mga gamit mo na dadalhin mo sa isla, Berry?" tanong ni Jayden sa dalaga."O-oo, nakapag-impake na ko. Tinulungan ako ni Marife kanina na ayusin ang mga gamit ko. Thank you nga pala sa mga pinabili mo kay Arianne." Tumango si Jayden.sa kanya."Jayden, pwede ba kitang makausap saglit?" tanong ni Marife sa lalaki na ikinabaling ng tingin ni Berry sa kaibigan."Oo naman," aning sagot ni
Baca selengkapnya
Chapter 25 part 1
Ang maaga sanang alis nila Berry at Jayden ay hindi nangyari. Mag aalas sais na ng umaga kanina ay hindi pa bumababa ang magkaibigan. Sigurado si Jayden na napuyat ang dalawa sa pagkukwentuhan kagabi kaya hinayaan niya na lang na matulog pa ang dalawa.Nagising si Berry na mataas na ang sikat ng araw. Tulog pa rin si Marife, kaya ginising niya ang kaibigan. Napabalikwas pa nga ng bangon kanina si Berry ng makita sa table clock kung anong oras na. Mabilis na kumilos si Berry at si Marife ay lumipat agad patakbo sa kanyang silid ng sabihin ni Berry kung anong oras na.Palabas na si Berry ng kwarto ng marinig niyang may kumatok sa pintuan.Alam niyang hindi si Marife iyon dahil kung ang kaibigan niya ang nasa tapat ng pintuan ay didiretso na ng pasok sa silid niya.Huminga na muna siya ng malalim bago niya binuksan ang pinto."Good morning Berry," bati ni Jayden."J-Jayden, sorry.., kung na late ako ng gising. Si Marife kase marami siyang ikinuwento sa akin kagabi kaya madaling araw na k
Baca selengkapnya
Chapter 25 part 2
Nakarating na sila sa pantalan kaya ginising na ni Jayden si Berry na ilang oras din na nakatulog."Nasaan na tayo?" tanong ng bagong gising na dalaga na nagpungas pa ng mata."Nasa pantalan na tayo. Sasakay tayo ng speed boat para makarating sa isla," saad ni Jayden."Wow, talaga?!, sasakay tayo ng speed boat? unang beses akong sasakay sa ganon. Bangka lang kase ang gamit namin nila Itay kapag mangingisda kami," turan ni Berry na biglang natigilan ng maalala ang kanyang itay."Naalala mo ang magulang mo?" tanong ni Jayden ng mapansin ang biglang paglungkot ng mukha ng dalaga."Wala na kase sila ni Inay, sabay nila akong iniwan ng malunod sila sa dagat. Naalala ko lang nung mga panahon na kasama ko pa sila. Huwag mo 'kong intindihin at okay lang naman ako," saad ni Berry na bumaba na ng sasakyan.Hindi naman na umimik pa si Jayden dahil hindi niya alam kung paano pagagaanin ang kalooban ng dalaga. Bumaba na rin siya ng sasakyan para sundan si Berry."Mang Ruben, pakibaba na lang yung
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
...
13
DMCA.com Protection Status