All Chapters of BOUGHT BY THE BILLIONAIRE: Chapter 41 - Chapter 50
130 Chapters
Chapter 36
"Senyorito Jayden, dumating na sina Teddy at Lanie kasama ang doctor na pinasundo ninyo," wika ni Aling Meling ng umakyat ito sa taas at kinatok ang pinto ng silid nila Jayden.Bumangon agad sa pagkakahiga si Jayden at inayos muna ang kumot na nakapatong sa katawan ni Berry bago niya binuksan ang pintuan."Nasaan sila Aling Meling?" tanong ni Jayden ng ang ginang lang ang nakita niya pagkabukas niya ng pinto."Nasa may sala po ang doktora kasama si Lanie. Si Teddy naman ay nasa labas lang ng bahay. Paakyatin ko na ba ang doktor?" saad ni Aling Meling.Sinulyapan muna ni Jayden si Berry bago sinagot ang tanong ni Aling Meling. "Sige ho, paakyatin n'yo na po. Samahan n'yo na lang na umakyat dito, Aling Meling," utos pa ni Jayden."Okay sige Senyorito, puntahan ko lang sina Lanie at aakyat kami agad nung doktora," wika ni Aling Meling at naglakad na pababa ng hagdan.Binalikan ni Jayden si Berry na ng paglapit niya ay nagising na ang dalaga."Nauuhaw ako Jayden," usal ni Berry na mabilis
Read more
Chapter 37
Ilang minuto ng nasa ibaba si Jayden kaya nakaramdam ng pagkainip si Berry. Hinanap ng mga mata niya ang cellphone niya ng maalala ang kaibigang si Marife. Nakita niyang nakapatong sa tokador ang kanyang cellphone. Kailangan niyang tumayo para makuha iyon. Kaya sinubukan ni Berry na gumalaw sa pagkakahiga. Inalis niya ang kumot sa ibabaw ng kanyang katawan at dahan-dahan na iginalaw ang mga paa niya. Patayo na siya ng maabutan siya ni Aling Meling."Berry, bakit ka kumilos?!" nag aalalang tanong ng ginang na lumapit agad sa dalaga at ibinaba ang dala nitong food tray.Bumalik naman sa pag upo si Berry ng masita siya ng asawa ni Mang Teddy. "Aling Meling, kukunin ko lang po yung cellphone ko," aniya sa ginang."Wag ka na munang kumilos Berry, kung may gusto ka ay iutos mo na muna sa amin. Sigurado akong magagalit si senyorito Jayden kapag nakita ka niyang tumayo," saad ng ginang kay Berry."Kaya ko naman po Aling Meling," sagot naman ng dalaga."Kakagaling mo lang sa mataas na lagnat B
Read more
Chapter 38
Nasa labas pa ng bahay si Jayden na tinatanaw ang pag alis nila Mang Teddy at ni doktora Maricris. Nakita niyang umakyat kanina si Aling Meling na dala ang pagkain ni Berry kaya hindi na muna siya bumalik sa itaas. Tingin naman niya ay maayos naman na ang dalaga bago sila bumaba ng doktor. Naisip niyang bigyan rin muna ng oras si Berry na makapag isip. Kanina ng gusto siyang paalisin ng dalaga sa silid ay bigla siyang naguluhan kay Berry. Pakiramdam niya ay gusto siyang itaboy ng dalaga kaya kahit na nakiusap si Berry at ang doktor ay nagpumilit siyang hindi lumabas ng kwarto.Nang nasa sala sila kanina ng doktora at ni Mang Teddy para pagbilinan ang caretaker nila na bilhin ang mga gamot na nireseta kay Berry ay nagpabili pa siya ng ibang bagay. Tumunog ang cellphone niya kaya nagpaalam na ang doktor at si Mang Teddy na aalis na. Tumawag sa kanya ang kanyang Daddy Jasper. Kaya sinagot niya agad iyon dahil pumasok sa isip nya na baka may itatanong sa kanya tungkol sa mga document na
Read more
Chapter 39
"Aling Meling, pwede na po kayong bumalik sa kusina. Ako na po muna ang mag aalaga kay Berry." saad na utos ni Jayden sa ginang ng pumasok siya sa loob ng kwarto.Nakaawang naman ang pinto kaya hindi na kumatok pa si Jayden at dumiretso na sa loob.Nakita niya si Berry na tahimik na ginagamit ang cellphone nito, habang si aling Meling ay inaayos na ang kalat sa loob ng silid. Napalitan na ng ginang ang kobre kama, ang mga punda at ang kumot na ginamit nila kagabi ni Berry."Sige senyorito. Berry, bababa na ako. Magpasabi ka lang kung may kailangan ka. Huwag kang mahihiya." wika ni aling Meling na magiliw na na nagbilin pa sa dalaga.Malawak naman ang pagkakangiti ni Berry sa ginang at itinango-tango ang ulo."Salamat po, aling Meling." aning turan ni Jayden ng humakbang na palabas ang asawa ni Mang Teddy."Walang anuman senyorito Jayden. Mamaya ay ako na ang magpapaligo kay Berry. Mag aakyat ako ng pinakuluang halamang gamot, mainam iyon para kay Berry ng madaling humilom ang sugat ni
Read more
Chapter 40
Tinawagan ni Jayden muli si Marlon ng makalabas na siya ng bahay. Panay lang ang ring ng cellphone nito kaya naisip niyang tawagan na si Cyrus.( May problema ka?) tanong agad ng kaibigan sa kanya."Kanina ko pa tinatawagan si Marlon dahil may itatanong ako sa kanya pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Alam mo ba kung nasaan siya?"( Nagpaalam sa akin kahapon na magbabakasyon na muna raw ng ilang araw. Pinayagan ko naman ng tatlong araw. Bakit, anong kailangan mo sa tao ko, Curtis?)"Gusto ko lang itanong sa kanya kung kasama niya ang kaibigan ni Berry, nag aalala kase si Berry kay Marife dahil hindi niya macontact ang kaibigan niya. Ang sabi ni Berry ay nag chat sa kanya si Marife na uuwi ng probinsya ngayong araw. Sinibukan niyang tawagan si Marife pero nakaoff naman ang phone."( Baka nga magkasama yung dalawa. Baka nasa malamig na lugar at naglalampungan pa, ayaw paistorbo kaya hindi ninyo matawagan. Try ninyo mamaya uling tawagan o maghintay kayo ng callback.)"Tsk, pakitawaga
Read more
Chapter 41
Lumipas ang mahigit isang linggong pananatili nila Jayden at Berry sa isla. Araw-araw ay magkasama silang palagi at hindi naghihiwalay. Kahit ang pagdayo ni Jayden sa ibang isla na kalapit lang ng isla nila ay isinasama niya si Berry upang hindi rin mainip ang dalaga.Kasalukuyan silang nasa tabing dagat at sabay na pinanonood ang paglubog ng araw. Tuwing hapon ay ginagawa nilang dalawa ang maupo sa malaking bato na hinahampas ng alon.Nakayakap sa likuran ni Berry si Jayden at nag iisip ng malalim. Panay ang pagbuntong hininga niya kaya siya tinanong ni Berry kung may iniisip ba siyang problema."Tumawag sa akin si Dad kanina, pinababalik na niya ako sa opisina. May importanteng bagay siyang ipinagagawa sa akin at hindi ko iyon pwedeng balewalain," seryosong saad ni Jayden na sa papalubog na araw pa rin nakatingin.Awtomatiko namang napalingon si Berry sa likuran niya, sa mukha ni Jayden na halatang namumuroblema. Tipid na napangiti si Berry. "Matagal na rin kase ang bakasyon natin d
Read more
Chapter 42
Sumunod din agad si Jayden kay Berry sa bahay. Hindi niya kayang nagagalit sa kanya ang dalaga kaya nagdesisyon siyang isama na lang si Berry pagbalik niya ng Maynila."Aling Meling, si Berry po?" tanong niya sa ginang ng masalubong niya itong papalabas ng bahay."Aba ay hindi ba't kayong dalawa ang magkasama kanina," ang sagot ni Aling Meling na may pagtataka pa sa mukha."Baka dumiretso na siya sa itaas," saad ni Jayden."Baka nga Senyorito, hindi ko naman napansin na pumasok siya at umakyat sa silid ninyo. Nagkatampuhan ba kayong dalawa?" wika ni Aling Meling at usisang tanong na rin."Nagalit sa akin eh!" napapakamot pa sa batok na sagot ni Jayden sa ginang."Suyuin mo na lang Senyorito agad ng hindi lumaki ang problema mo sa nobya mo. Mahirap pa naman kapag ang babae ang nagtampo," nakangiting payo ni Aling Meling kay Jayden."Ganun nga ho ang gagawin ko, Aling Meling," napangiting saad ni Jayden."Ipaghahain ko na ba kayo ng hapunan ninyong dalawa?" tanong pa ng ginang ng hahakb
Read more
Chapter 43
"Nakausap mo na ang kaibigan mo, narinig mo na rin ang sinabi niya," wika ni Jayden ng ilapag nito ang cellphone sa ibabaw ng bed side table at lumapit sa kanya sa kama."Wala naman talaga akong magagawa kung ayaw niyang makinig sa akin di ba? Ayaw niyang mag-alala ako para sa kanya, eh di sige! Hindi ko na iisipin ang kalagayan niya, nasa tabi naman siya ni Marlon eh! Rerespetuhin ko na lang ang kung anong gusto niya," may bahid pagtatampo pa ring saad ni Berry."Wag ka ng malungkot narito naman ako sa tabi mo. Nangako ako na aalagaan ka at paninindigan ko yun. Hayaan mo na muna ang kaibigan mong unahin ang pag ibig niya. Kaya dapat lang din na ako naman na ang isipin mo," saad pa ni Jayden na ikinangiti na ni Berry sa kanya."Okay ka na?!" tanong pa ni Jayden na inayos ang ilang hibla ng buhok ni Cherry na nakatabing sa mukha nito."Okay na ko, salamat. Pasensiya ka na kanina sa akin. Atleast ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang pag aalala ko para kay Marife
Read more
Chapter 44
Tumigil si Jayden at pinadapa niya si Berry. Pinatukod niya ang dalawang kamay ng dalaga sa ibabaw ng kama at pumwesto siya sa pwetan ni Berry. Hawak ang isang balakang ni Berry ay ipinasok na ni Jayden ang pagkalal*ke niya sa loob ng katawan ng dalaga."Oohhh..!!" mahinang ungol ni Berry."Fuck.., ang sikip pa rin," saad ni Jayden ng makapasok ang ari niya sa lagusan ng dalaga."Aahhh!! aahh..!!" impit na ungol ni Berry ng magsimulang umindayog ang katawan ni Jayden at malayang naglabas masok ang ari ng lalaki sa kanyang pagkabab*e."Oh shit! so damn good.. You're so tight babe," mahinang wika ni Jayden sa tapat ng tenga ni Berry ng bahagya itong dumapa sa likuran ng dalaga habang patuloy na iniuulos sa loob ng katawan ni Berry ang ari niya.Muling iniangat ang katawan niya at hawak ang dalawang balakang ni Berry ay itinutulak at hinihila niya iyon para isalubong sa kanyang ari na gustong-gustong maglabas pasok sa puday ni Cherry."Uhmm.. Jayden, nangangalay na ang tuhod ko," reklamo
Read more
Chapter 45
Matapos makapaghapunan nila Berry at Jayden ay inaya ni Jayden si Berry sa labas.Naglakad lakad sila sa dalampasigan na magkahawak ang kamay."Pagbalik ba ng maynila ay didiretso na tayo sa bahay mo?" tanong ni Berry."Oo, bakit? may gusto ka bang puntahan muna natin?""Wala naman, naitanong ko lang." sagot ni Berry."Pag nasa maynila na tayo ipapahanap ko na ang biological mother mo. May kilala ako kung sino ang makakatulong sa atin upang mapadali ang paghahanap sa tunay mong ina."Tumigil sa paglalakad si Berry at bumuntong hininga. Tinanaw ang karagatan at muling napabuntong hininga."Bakit?" nagtatakang tanong ni Jayden."Naisip ko lang kung ako ba ay hinahanap din ng tunay kong ina o hinayaan na lang talaga niya ako sa mag asawang nagpalaki sa akin at nagbigay ng tunay na pagmamahal ng magulang sa akin." turan ni Berry na ikinatitig ni Jayden sa mukha ng dalaga."Nalaman mo ba ang dahilan kung bakit ka iniwan ng ina mo?" muling tanong ni Jayden."Hindi eh! ang nabasa ko lang sa
Read more
PREV
1
...
34567
...
13
DMCA.com Protection Status