Share

Chapter 24 part 2

Alas onse na ng gabi ng makabalik ng bahay niya si Jayden. Inaasahan na niyang tulog na sina Marife at Berry ng oras na yun.

Ngunit gising pa rin pala ang dalawa at nagkukwentuhan ng sumilip siya sa kwarto ni Berry.

"Sorry.., tinignan ko lang kung tulog na si Berry," paliwanag ni Jayden agad ng makita niyang napatingin sa kanya ang magkaibigan.

"Ah, hindi pa kase kami inaantok kaya nagkwentuhan pa kami," wika ni Marife dahil biglang natahimik ang kaibigan niya.

"Pwedeng pumasok?" tanong ni Jayden.

"Oo naman, pasok ka," sagot ni Marife.

Tumango naman si Berry kaya ngumiti na rin si Jayden.

"Okay na ba ang mga gamit mo na dadalhin mo sa isla, Berry?" tanong ni Jayden sa dalaga.

"O-oo, nakapag-impake na ko. Tinulungan ako ni Marife kanina na ayusin ang mga gamit ko. Thank you nga pala sa mga pinabili mo kay Arianne."

Tumango si Jayden.sa kanya.

"Jayden, pwede ba kitang makausap saglit?" tanong ni Marife sa lalaki na ikinabaling ng tingin ni Berry sa kaibigan.

"Oo naman," aning sagot ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
GIRLY DE TOMAS
thnaknyou ms A
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status