THEO TORREGOZA' POVAYAW KO SA babaeng iyon sa simula palang. Masyadong papansin. Halatang baliw na baliw sa 'kin. Sana maglaho na lang siya bigla dahil pinapakumplikado lang niya ang lahat. Ginulo niya ang buhay ko nang sandaling ikasal ako sa kaniya.Pinilit ko namang tiisin si Amanda. Pero naiinis talaga ako sa kaniya. Naiinis ako sa pagiging matiisin niya pagdating sa akin. Naiinis ako na pinagbibigyan niya ako sa lahat ng gusto ko kahit na nagpapakababa na siya sa 'kin... kahit na tinatapakan ko na ang pagkababae niya.Ang mga sandaling pananakit ko sa damdamin niya ang bangungot ko hanggang ngayon. Hindi ko dapat ginawa ang lahat ng iyon. Mali iyon. Pero pinapangunahan ako ng galit lagi. At mas nananaig sa akin ang katotohanang sinira niya ang pagiging malaya ko dahil sa isang gabing iyon.Pero hindi ko naman idedeny sa sarili ko na... nag enjoy din naman ako. Kung may isang bagay na nagustuhan ko sa loob ng kasal namin, iyon ay ang sarap ng pagniniig namin ni Amanda.Ewan ko ku
Last Updated : 2025-10-19 Read more