NAMUMULA PA RIN ang mukhang dahan-dahang inalis ni Ceska ang kumot na nakatakip sa kanyang mukha. Nilingon na ang lalaki. Bigla na naman siyang kinabahan. Bakit parang gusto na niyang umiyak?“Just say yes, Ceska…please just say yes. Kaya natin labanan ang lahat. Hindi na ako takot. Suportado na ako ni Daddy, suportado na ako ni Gia. Alam na ng Daddy mo ang tungkol sa ating dalawa. Kaunti na lang—”Kinagat na ni Ceska ang kanyang pang-ibabang labi. Hinarap na si Brian. Hindi alintana ang hubad pa nilang katawan na malakas man ang aircon, walang pakialam iyon dahil marahil sa inilabas nilang init nito kanina. “Oo na, mahal na mahal pa rin kita Gabriano pero wala akong planong—” Yumakap na sa katawan niya si Brian kung kaya naputol ang kanyang sasabihin. “Hindi nagbago ang pagmamahal mo sa akin and that’s enough reason, Ceska…that’s enough reason…Baby.” Muling inangkin ni Brian ang labi ni Ceska na para bang wala pang nangyari sa kanila kanina. Gumapang ang kamay ng binata mula sa
Last Updated : 2025-08-16 Read more