تسجيل الدخولGABI NA NANG bumalik si Atticus sa villa ng mga Dankworth sa Batangas upang sunduin lang ang nobya. Naghihintay na rin ang babae sa kanyang pagdating kung kaya naman hindi na rin siya halos nagtagal pa doon. Pagdating niya ay ilang minuto lang ang itinagal at umalis na sila. Pahapyaw niyang nilingon na si Gabe na tahimik na nakaupo lang sa front seat. “Buong araw ka bang natulog?” Tumango si Gabe at maliit siyang binigyan ng ngiti. Bakas sa mga mata nito na busog sa tulog.“Hmm. I was busy with a case a while ago kung kaya naman ilang oras lang lagi ang tulog ko kada araw, buti nga at nakabawi rin ako ngayon kahit paano.” nguso ng abogada na ipinakitang nasisiyahan sa mga nangyari buong araw. Isinandal niya pa ang likod sa upuan at bahagyang humarap kay Atticus na animo ay ngayon lang niya ulit ito nakita. Awtomatikong hinaplos naman ni Atticus ang mukha ni Gabe. Medyo humpak ang pisngi nito ngunit nananatili pa rin namang maganda ang kasintahan. Noon lang niya iyon napansin.“Shal
BAGO PA MAKAPAGSALITA si Atticus ay narinig na nila ang ingay pababa ng hagdan si Bryson at Nabe na panay ang harutan. Ilang sandali pa ay pumasok na sila sa pintuan ng kusina na agad na tinikom ang bibig nang makita na ang kanilang ama.“Hijo, ikaw ang lalaki sa inyong dalawa kaya dapat na ikaw ang batas kahit pa maraming alam na literal na batas si Gabe.” diretso ni Gavin na binibigyan ng tahasan na pangarap ang lalaki, “May pagkakataon na magpapa-under ka kay Gabe pero hindi pwedeng lagi. Huwag mo siyang sanayin ng ganyan at ikaw din ang mahihirapan sa pagtanda niyo. Ikaw dapat ang nasusunod. Hindi rin pwede na siya ang masusunod sa mga bagay na gusto niya. You still have to work hard, Fourth.” “Give nad take, iyon ang nais na sabihin ng Tito Gavin, Fourth.” sabat pa ni Bethany na nakangiti ng lumapit ng table.Ngumiti lang si Atticus at hindi na nagsalita pa laban sa nobya. Ayos lang naman sa kanya kung ito ang batas sa kanila. Ang mahalaga ay maayos na sila at hindi na siya nito
NATAPOS ANG GINAGAWANG instruction ni Bethany sa kausap niyang katulong na naghahanda ng kanilang magiging almusal. Nagpatimpla siya ng kape at matapos na kunin ay ibinigay niya iyon kay Atticus at nagtangka na siyang maglakad-lakad sa palibot ng villa. Wala ng gawa noon ang Ginang, ngunit madalas na nagtatambay siya sa labas na may tanim na mga bulaklak. Iyon ang naging libangan niya. Sinamahan naman siya ni Atticus na mabagal ang inom sa tasa ng kape na bigay ng Ginang. Pinanood niya ang matandang babae na diligan ang mga halaman na bago pa lang namumukadkad ang mga talulot ng bulaklak. In the morning light, her face was gentle and beautiful, her age unmatched.“Kumusta na kayo ni Gabe, hijo. Are you getting along well lately? Hindi na ba kayo madalas na mag-away, hmm?”Nakangiting tinango ni Atticus ang kanyang ulo.“Opo, Tita saka huwag po kayong mag-alala sa amin, hindi ko na po uulitin ang ginawa ko noon sa kanya.” “Hindi ko sinasabi na ayos lang ang mga nangyari sa inyo dahil
HUMAKBANG NA PALAPIT kay Gabe si Atticus upang halikan lang siya sa labi ng lalaki. Kusang tumingala naman si Gabe upang bigyan lang ng access ang nobyo na mas palalimin pa ang halikan nilang dalawa kahit na wala sa kanyang plano na gawin nila ng kasintahan ang bagay na iyon sa gabing ito. Gabe didn't want to do it at home for different reasons. Atticus' desire for it was too strong, damang-dama niya iyon sa bawat brush ng labi nito sa kanyang bibig. Binabalot ng hiya ang katawan ni Gabe kung doon pa sila dadayo upang mag-sex. Once they did, it would definitely make some noise, even the best soundproofing would be useless dahil kilala niya ang kanyang sarili na maingay at hindi magawang pigilan ang kanyang sarili kapag nasa kasarapan na iyon. She didn't want to be seen tomorrow. Tapos tutuksuhin pa ng pamilya.“You can sleep here if you want, but be quiet. Hindi natin pwedeng gawin ang bagay na iyon dito, Fourth.”Hindi naman iyon ang ibig sabihin ni Atticus na gagawin nila kung kaya
ILANG SAGLIT LANG ay nagawa ng malagyan ng lalaki ang baso ng malamig na tubig. Inalalayan pa ni Atticus na uminom si Gavin na bahagyang lumuhod sa gilid ng kama upang maging maayos lang ang pag-inom ng matandang lalaki. Hinawakan ni Gavin ang baso ngunit hindi iyon binitawan ni Atticus sa pag-aalalang mabitawan ito ng matanda at mabasa ang kama nila. Tahimik na uminom si Gavin na naaninag na ang imahe ng malabong mukha ni Atticus.“Dahan-dahan lang po, Tito…” Matapos na uminom ay binitawan din ni Gavin ang baso na binalik naman ni Atticus sa bedside table. Pabalik na sana ang lalaki sa may pintuan nang makita niya ang ginagawang matamang paninitig ni Gavin sa kanya. Iyong mga titig na parang may nais na sabihin pa ito.“T-Tito—” “You don’t have to say sorry, hijo…” putol ni Gavin sa sasabihin sana ng lalaki, “Ako…” turo niya sa kanyang sarili ng isang palad, “Ako dapat ang humingi ng paumanhin sa’yo dahil nakialam ako sa asawa niyong dalawa ni Gabe. Naiintindihan mo naman ako hindi
IN THE END, they finished almost the entire bottle of expensive liquor. Gaya ng inaasahan ng mga nakapalibot sa kanya, nalasing ang matandang lalaki na si Gavin dahil sa taas ng mga tagay nito na animo ay nagpapakita ng gilas sa mga kainom na anak at manugangin niya. Tinulungan siya ni Bethany na umakyat sa kanilang silid sa ikalawang palapag upang magpahinga na. Nagbubuhol na ang mga binti nito ngunit hindi iyon alintana ng Ginang. Medyo makulit na rin kasi ang asawa at kung anu-ano na ang mga sinasabi na kadalasan ay wala na sa hulog ang iba noon kung kaya naman nagpasya na ang Ginang na patulugin ito.“Nabe, bring up your dad's coat later. Nasa bulsa noon ang cellphone ng Daddy niyo, in case na tumawag ang Lolo niyo ay agad niyang masasagot.”Si Gabe ang tumayo at dumampot noon kahit ang bunso nila ang inuutusan ng kanyang ina. Para kasing walang narinig si Nabe na may binubulong-bulong sa kapatid nilang si Bryson. “Ako na ang magdadala, hindi narinig ng mas paboritong anak ni Dad







