NAGING MALINAW SA isipan ni Gabe kung ano ang nais ng kanyang ama. Ginagamit nito ang pagkakaroon umano niya ng anak kay Atticus, pero ang totoo paraan lang iyon ng kanyang ama upang magkabalikan sila. Syempre, uunahin nilang isaalang-alang ang kapakanan ng bata kung kaya naman nais nitong magpabuntis siya. Kapag nangyari iyon, panalo nga naman. Nagkabati na sila, nakabuo na siya ng sariling pamilya at sa lalaki pang alam niyang gusto ng magulang sa kanya.“Dad!” panlalaki ng mga mata ni Gabe na bahagyang tumayo na, ipinakita niyang nahulaan ang plano nitong madilim. “Tingin mo hindi ko mahihimay ang plano mo? Kanino ba ako nagmana na matalino? Sa’yo. Gusto mo lang talaga na maging maayos na kami ni Atticus eh. Ginamit mo pa talaga ang pagkakaroon umano ng apo. Di mo ako maiisahan, Dad.” Muli na namang naging malutong ang tawa ni Gavin, buong akala niya ay mapapaikot niya ang anak sa kanyang plano. “Tinutulungan lang naman kita.” “Hindi mo ako tinutulungan, Daddy. Gusto mong gamiti
Last Updated : 2025-09-17 Read more