Mag-log inHALOS MAPUNIT ANG labing itinaas ni Bryson ang kanyang isang kamay. Habang palabas ang tatlonv bata, panay ang lingon nila sa kanya. Matapos na magpasalamat sa store manager ay bumuntot si Bryson at ang assistant niya sa kanila. Malayo ang pagitan nila sa mga bata at matanda. Tumigil sila sa may exit upang magtago dahil mahirap ng bigla silang makita ni Piper na naroon ngayon.“Sir, kailan mo ba sasabihin kay Piper na alam mo na? Pwede mo ng sabihin para naman—” “Hahanap ako ng tamang pagkakataon para sa bagay na iyon.” Sa parking lot. Bumaba si Piper at sinandal an ang katawan sa gilid ng kanyang sasakyan. Inikot-ikot niya ang leeg na parang minamasahe. Pakiramdam niya ay nanakit iyon at nagkaroon siya ng stiff neck. Nang matanaw na ang bulto ng kanyang mga anak na nag-uunahang tumakbo palapit sa kanya, napaayos na siya ng tayo at nawala ang pagod sa kanyang mukha.“Oh? Ang dami niyong pinamili?” gulantang man ang mukha ay nakatawa pa ‘ring puna ni Piper sa kanila. Binuksan na ni
PINAGBIGYAN ANG KAHILINGANG iyon ng store manager ni Bryson. In a moment, orange juice, coffee and fruit plates were served in the center table para sa kanilang mag-aama. Nagkatinginan ang tatlong bata. Iniisip kung bakit binibigyan sila ng pagkain ng babae na nagtra-trabaho kung saan sila bumibili ng kanilang mga damit. Kuryuso man, wala pa rin nagsalita sa tatlong bata na pinagpasalamat ni Nana Selda. Para naman kay Bryson ang ganung treatment ay sobrang common na lang, pero hindi kina Nana Selda. Sa isip ng matanda ay pang-VIP treatment ang nangyayari sa kanila noon. “Maraming salamat.” “Wala pong anuman, Mr. Dankworth.” Lumabas ng pintuan ang store manager matapos na magpaalam sa kanila na i-enjoy nila ang inihanda niyang merienda. Nang tuluyang makalabas ang store manager, saka pa lang naupo si Nana Selda nang tahimik sa gilid na upuan. Bagama’t maligaya siya para sa mga bata na nae-experience ang ganitong bagay na dati pa sana, nag-aalala naman siyang makarating iyon kay Pipe
MINSAN NG NARINIG ni Nana Selda na pinag-uusapan ng mga ito ang triplets kung bakit umano wala sila kasamang ama. Matagal na iyon. Kapag nagtatanong kasi sila ng personal, pinipili noon ni Piper na manahimik at huwag iyong sagutin. “Siguro nasa ibang bansa ang ama ng mga bata. Alam mo na, kapag ganyan karami ng anak magastos sila. Gatas. Diaper.” “Baka nga, or disgrasyada ang kanilang ina?”“Hoy, huwag ka ngang ganyan. Hindi natin alam kung ano talaga ang kwento sa likod. Mukha namang okay ang ina nila.” “Kahit na, karamihan na ngayon sa mga iniiwan magaganda para lang ipagpalit sa mukhang mga paa.” Kung kaya naman nang makita nila ang matangkad na bulto ng lalaki na kasama ng triplets ngayon, unang sumilid sa kanilang isipan na baka iyon ang ama ng tatlong gwapong bata kahit na hindi nila kasama ngayon dito ang kanilang ina. “Manang, sino ang kasama niyo?” usisa ng isang sales lady nang magkaroon ng pagkakataon na kausapin si Nana Selda.“Sino pa nga ba?” pagbibigay ng nakakalok
NANG MATAPOS NILANG kainin ang dessert, si Bryson mismo ang naglinis sa kanilang marungis na mga bibig. Hindi naman siya tinanggihan ng mga bata na mas naging clingy pa sa kanya. Pumila sila. Hindi sila nag-agawan sa sino ang mauuna.“May time na kamukha nila ang kanilang ina.” si Gabe na wiling-wili sa panonood sa ganap sa kanyang harap, hindi niya ma-imagine na magkakaroon ng ganito karami agad na anak ang kapatid. Hindi niya na tuloy mahintay ang reunion nila.Natahimik ang kanilang table nang tumunog ang cellphone ni Nana Selda na nakapatong sa gilid ng kanyang baso. Sumenyas ang matandang babae sa magkapatid na Gabe at Bryson na si Piper ang tumatawag sa kanya. Awtomatikong tumikom ang kanilang bibig na para bang kailangan nilang gawin iyon, habang kausap ng matanda ang amo nila. Bahagyang nakita ang pagpa-panic sa mukha ng matanda, ngunit unti-unti itong kumalma nang makitang audio lang ang tawag. Kung sakali na video call iyon ay paniguradong nahuli na sila nito on the spot kun
MARIIN NG TINIKOM ang bibig ni Haya. Biglang yumuko ang ulo ng bata na tila nahihiya at humihingi ng pasensya. Alam niyang mali siya. Hindi naman magagalit ang ina kung tama ang kanyang ginawa. Tanggap naman na iyon ng bata.“Sorry, excited lang naman akong ipakilala—” “At talagang magra-rason ka pa kahit alam mong mali ka ng ginawa, Haya?” “I’m sorry…Tito Bryson, Mommy…”Hindi siya pinansin ni Bryson, hindi na rin nagsalita pa si Gabe doon.“Masarap ba iyang kinakain niyo?” tanong ni Bryson sa triplets na pilit kinukuha ang kanilang reaction.Sunod-sunod na tumango ang ulo ng tatlong bata na parang mga robot habang ang mga mata ay nakatingin na sa ama. “Sige lang, tuloy lang kayo sa pagkain. Huwag kayong mahiya sa akin. Hmm?” utos ni Bryson na bahagyang naluluha na ang mga mata. “Pakabusog lang kayo. Huwag niyo akong pansinin.” gasgas na ang boses na patuloy na sambit ng lalaki.Nilingon ng mga bata si Nana Selda na ngumiti lang naman sa kanilang tatlo. Muling pinagpatuloy nila an
HINDI NAKALIGTAS KAY Nana Selda ang paninitig ni Gabe sa tatlong mga pamangkin. Napansin pa nga niya ang gumuhit na sakit sa kanyang mukha ng ilang sandali. Marahil ay iniisip nito na sayang ang tatlong taon na nawala para makilala sila. Nana Selda wiped her own eyes quietly. Hindi niya mapigilang madala sa emosyon ng abogadang tila naantig. As long as the Dankworth family truly loved the triplets, nothing else mattered. Labis iyong ikakaligaya ng matanda at paniguradong maging ni Piper sa hinaharap. Iyon lang naman ang mahalaga. Maging maligaya ang apat na mag-iina sa piling ng tunay nilang pamilya. Nakikita rin niya na maalaga rin naman si Bryson, at mahal din nito si Piper.“Sa totoo lang, Attorney Dankworth ay alam ng kapatid niyong si Mr. Dankworth ang tungkol sa tatlong bata…” hindi inilihim ni Nana Selda ang tungkol sa pagkakatuklas dito ni Bryson kamakailan lang, baka kasi ma-misunderstood ng abogada iyon. “Pumunta pa nga siya noong nakaraan para dalhan lang sila ng mga laruan







