ANMELDENHINDI NAGBIGAY NG opinyon si Nana Selda. Naniniwala siyang magiging ayos din sila. Naguguluhan lamang sila ngayon.“Mainit pa kayo ngayon. Kailangan niyong magpalamig. Hintayin niyong humupa ang lahat bago kayo muling mag-usap.”Yumakap si Piper kay Nana Selda sabay bulong na kailangan na niyang mag-impake. Baka maiwan na siya ng eroplano.“Anong oras ba ang flight mo?” Sinabi ni Piper iyon kung kaya naman kumalas na sa kanya ng yakap ang matanda. “O siya, mag-impake ka na. Gusto mo bang tulungan pa kita?” Iniiling ni Piper ang kanyang ulo. “Huwag na, Nana Selda. Hindi naman masyadong marami ang dadalhin ko. “Gaano ka ba katagal na mawawala?” “Ilang araw lang, Nana Selda. Siguro mga isang Linggo na ang pinakamatagal.”Habang sinasara ang zipper ng maleta na kanyang dadalhin, napatingin na si Piper sa kanyang suot na diamond ring. Ilang sandali niya iyong hinimas. Gusto niya itong tanggalin, ngunit kapag ginawa niya iyon at natuklasan ni Bryson, baka mas lalong magalit ang lalaki
PINATAY NI BRYSON ang tawag ng mga magulang nang hindi sinasagot ang mga katanungan nila. Nilingon na ni Bethany si Gavin na tiningnan na rin siya. Iniiling ang ulo ng wala pa ‘ring makuhang sagot sa anak. Ang malala, naputol ang tawag.“Iyang anak mo talaga, sobrang nakakagigil na! Malamang ginalit na naman niya si Piper kaya ganun ang naging desisyon niya! Walang pinagkatandaan!” dabog ni Bethany na nag-walk out, napasabunot sa kanyang buhok na manipis si Gavin.“Pambihira, bakit parang kasalanan ko na naman ang nangyayari sa pamilya ni Bryson? Ako ba ang anak namin?” Inuwi ni Piper ang triplets sa kanyang apartment. Hindi naman nagsalita ang tatlong bata upang magtanong sa biglaang desisyon ng ina kahit nasabihan na sila ng kanilang Lolo at Lola na sa villa muna silang magkakapatid. Marunong silang maggbasa ng emosyson ng ina at alam nila kung kailan sila pwedeng magsalita at manahimik. Kahit ang madaldal na si Paxton ay naging tameme. Panay ang tingin sa ina. Naghahanap ng taman
AKMANG YAYAKAPIN NI Bryson si Piper nang bigla itong umatras palayo sa kanya kung kaya naman natigilan na ang lalaki na gawin ang tangka niya. Puno ng poot ang mga mata ni Piper na nakatingin na sa kanya. Ilang beses pa siyang inilingan ng babae, parang di makapaniwala. Kitang-kita na niya ang pagkakaroon ng dismayado nitong tingin sa kanya.“Piper, let me—” “Hindi ka na nagbago. You are still full of yourself, Bryon. Sarili mo lang ang mahalaga sa’yo at iniisip mo.” Sa boses ni Piper ay mababakas ang labis na pagkadismaya sa kanya. Ilang beses na kumibot ang bibig ni Bryson. Nais niyang pabulaanan ang binibintang ni Piper sa kanya. Nais lang naman niyang manatili ang babae sa kanyang tabi eh. Anong masama doon? Hindi niya ba pwedeng gawin ang bagay na iyon?“It’s not what I mean, Piper—” “Hindi iyon ang ibig mong sabihin? Talaga? Hindi iyon ang intensyon? Huwag mo nga akong gawing aanga-anga, Bryson!” sigaw ni Piper na nagtaas at baba na ang magkabilang balikat at may nag-aalab n
TULOY LANG SILA sa paghakbang. Narinig ni Piper kung paano nakahinga nang maluwag ang assistant sa kanyang sinabi. Malamang ay nag-aalala na ito sa kanila. Iginiya na siya nito patungo sa office ni Bryson kahit na memoryado niya naman kung saan iyon. After bringing her in, the assistant didn’t care about serving tea or water and only gave them their private space. Marahan na sinara ni Piper ang pintuan ng opisina ni Bryson. Nakaupo sa sofa si Bryson at abala sa kanyang laptop na nasa kandungan. Ilang sandali niyang pinagmasdan ang nobyo, iniisip kung ano ang pinagkakaabalahan. Nag-angat ito ng mukha nang maramdaman ang kanyang presensya.“Do you have to go?” iyon agad ang tanong niya kay Piper.Napasandal na ang likod ni Piper sa pintuan. Hindi niya alam na iyon ang ibubungad nito. Buong akala niya ay pinayagan na siya at hindi na pahihirapan.“You really don’t want me to go? Alam mo naman ang sitwasyon ni Mr. Alvarez ngayon, Bryson.” Nanatiling nakatingin sa kanya si Bryson. Maya-ma
MAVERICK ALVAREZ IS not greedy for money, he actually prefers freedom ngunit kailangan niyang pangalagaan ang family business nila. He has been immersed for two decades, at isa pa maraming employees at subordinates na umaasa sa kanya. Hindi siya pwedeng tumigil. Alan din ni Maverick na mag-request kay Piper ay mabigat na desisyon, pero wala siyang ibang options. Si Piper lang ang lubos niyang pinagkakatiwalaan sa mga empleyado niya dito.“Sir, I’ll book a flight after lunch.” Hindi magawang makapagsalita ni Maverick. Sobra siyang na-touch sa desisyon ni Piper. “You don’t have to, hija—” “Huwag kang mag-alala Sir, kukuha ako ng returned ticket.”“Alright, I’ll see you here. Ingat ka, hija.” Nang matapos na ang tawag ng amo ay tulalang napatitig si Piper sa kawalan. Binuhay na niya ang computer sa lamesa at nagsimulang mag-booked ng kanyang plane ticket. Saktong tapos niya doon nang biglang may kumatok sa pintuan. Isa sa mga employee iyon, nakangiti.“Tumawag si Mr. Alvarez, ang sa
NAGMAMADALI ANG MGA yapak ng dalawa palabas ng villa dahil magagahol na sila sa oras. Hindi na hinintay ni Piper na pagbuksan siya ng pintuan ni Bryson. Siya na ang kusang humila noon upang magkusang pumasok sa passenger seat. Diretso naman sa driver seat si Bryson na ang pakiramdam ay nasa alapaap siya ng mga sandaling iyon. After two days of intimacy with Piper, Bryson not only did not feel fatigued, but was even more heroic. Bago paandarin ang kotse ay nilingon niya si Piper upang may sabihin na hiling ng magulang niya.“Tumawag si Mommy kanina habang tulog ka pa, nakikiusap si Daddy na doon na muna sa villa ang triplets kahit mga ilang araw lang. Pwede namang pumunta rin doon si Nana Selda.”Iniiling ni Piper ang kanyang ulo. “Baka mailang si Nana Selda sa kanila—” Hinalikan ni Bryson ang bibig ni Piper dahilan para maputol ang sasabihin ni Piper. “So, anong sasabihin ko kay Mommy? Ayaw mong payagan ang tatlong bata?” Napakurap ang mga mata ni Piper na biglang na-blangko ang u
MATINDING PAGTUTOL ANG naramdaman ni Bethany sa sinabing iyon ng mag-ama, ngunit para sa kanya ay napakahirap tanggihan ng abogado lalo na sa harapan nila iyon mismo sinabi nito. Baka kung ano lang din ang isipin nito oras na tumutol siya. Tiningnan na ni Patrick ang kanyang kapatid na si Patricia.
MAGKASUNOD NA ANG dalawa na bumaba ng parking area hila-hila ang mga maletang dadalhin ni Gavin. Nasa malayo pa rin ang isipan ni Bethany kahit naroon na sila, parang biglang gusto na niyang sumama sa binata. Ngunit nang maisip na naman na may klase siya kay Patricia, bagsak ang magkabilang balikat
KAGAYA NG INAASAHANG, filipino time. Wala pa rin doon ang importanteng bisita. Nakipagkamay ang mga businessman at matataas ang pangalan sa lipunan na lumapit sa binata habang panaka-naka ang tingin sa kasama nitong babae na hindi man lang pinakilala ni Gavin. Hindi naman din iyon dinamdam ni Bethan
UMIGTING NA ANG magkabilang panga ni Albert sa lantarang sinabing iyon ni Bethany sa kanya. Nasupalpal na naman siya dito ng dalaga. Ewan din ba niya sa kanyang sarili na kahit ang dami na nitong masasakit na mga salita ang binibitawan sa kanya, balewala na lang iyon sa lalaki. Nasasaktan siya oo, p







