BAGO PA MAS uminit ang kanilang pagtatalo ay tumayo na si Piper. Inilagay na ang dalawa niyang palad sa lamesa nila at padukwang na humarap kay Bryson. Kay Bryson na nakatingin lang sa kanya at hinihintay kung ano ang gagawin niya. “Pagod ako sa byahe, Bryson. Huwag mo akong sermunan lalo na sa gitna ng maraming tao, pwede?!” mahina ang pagkakasabi noon ni Piper ngunit may halik ng galit ang kanyang boses, hindi na niya mapigilan na patulan ang kalokohan ng lalaki. “Sa ibang araw na lang tayo mag-usap. Hayaan mong makabawi naman ang katawan ko muna. Ganito na nga ang hitsura ko kung sermunan mo pa ako, wagas. Let me rest first, Bryson. Hmm?” Lumambot naman ang puso ni Bryson sa narinig. Biglang nawalan siya ng lakas na lalong magalit kay Piper. “Alright, umuwi ka na nang makapagpahinga ka na.” tayo ni Bryson at inayos ang sarili upang umalis na rin ito doon. Nauna ng lumabas ng coffee shop si Bryson. Ilang minuto lang ang nilagi ni Piper doon at umalis na rin matapos ubusin niya a
อ่านเพิ่มเติม