Samira POVTahimik ang buong underground hideout. Wala ni isang nagsasaya, tanging mahinang hikbi at bulong na dasal lang ang maririnig sa sulok kung saan naroon ang urn na naglalaman ng abo ni Manang Cora. Nasa gitna ito ng maliit na altar, napapalibutan ng puting bulaklak at ilang kandila.Nakakalungkot pa ring tignan at isipin na hindi kumpleto ang mga manang. Nakaupo lang ako sa isang sulok, yakap-yakap ang tuhod ko habang pinagmamasdan ang mga Manang—sina Manang Luz, Manang Josie, Manang Percy, Manang Luciana at Manang Rowena. Tahimik silang nagdarasal, nakaluhod sa harap ng banga. Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang kailan lang, hawak pa ni Manang Cora ang kamay ko, pinapakalma ko. Ngayon, abo na lang siya.“Lord, please welcome our sister Cora into Your arms,” mahina dasal ni Manang Percy habang patuloy ang pagpatak ng mga luha niya.Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulala. Pati si Miro ay hindi ko na namamalayan kung ano ang ginagawa. Ngayon, gusto ko lang tumunganga,
Terakhir Diperbarui : 2025-05-19 Baca selengkapnya