Samira POVPagkatapos ng kasal, aba siyempre, kangkangan na. Joke, wala muna at buntis na ako. Pero ibang honeymoon ang nangyari.Sa totoo lang, isa na naman ito sa hindi ko inaakalang mangyayari sa buhay ko.Mula sa isang madilim na nakaraan, mula sa takot at pagtatago, heto ako ngayon, nakasandal sa balikat ng lalaking mahal ko, habang nakasakay kami sa eroplano papunta sa Paris. First time kong sumakay ng airplane. At halata raw sa mukha ko, sabi ni Miro. Tawa siya nang tawa nung pa-take off kami, kasi parang nakanganga ako buong oras, nanginginig pa ang kamay ko habang hawak ang armrest.“Mahal, relax,” bulong niya habang hinahaplos ang palad ko. “Nasa langit ka na ngayon, literally.”“Ang lala kasi nung takeoff pala. Pakiramdam ko ay naiwan ang puso ko sa ibaba,” sagot ko sabay ngiti, kahit kabadong-kabado pa rin ako. Normal daw sa first time ang ganito kaya parang wala lang kay Miro, pero pinagtawanan pa rin niya ako kaya nahihiya ako. Mabuti nga at napigilang kong huwag sumigaw
Last Updated : 2025-06-07 Read more