Samira POVHindi ko na kayang itago ang ngiti ko habang pinagmamasdan kong naglalakad sa arrival area ng airport sina Manang Luz, Manang Josie, Manang Luciana, Manang Percy at Manang Rowena. Sa wakas, malaya at matutuloy na ng mga manang ang mga gusto nilang gawin sa buhay.“Samira, ija!” sigaw ni Manang Luz na nakahanda agad na yakapin ako.“Manang Luz!” tinakbo ko sila, hindi ko na rin pinigilan ang luha ko. Na-miss ko ang mga lola ko.Sunod-sunod kaming nagyakapan. Hindi ko alam kung sino ang uunahin, kung kanino ako magtatagal, pero ang totoo niyan, gusto ko lang silang lahat makayakap nang mahigpit.Nasa likod ko si Miro, kargado ang ilan sa mga bitbit nilang bag. “Mga manang, sakay na kayo. May suprise po kami sa inyo,” sabi niya habang ngiting-ngiti. Napag-planuhan na rin kasi namin ito ni Miro.“Grabe, ang laki na ng katawan lalo ni Miro! Bagay na bagay na talaga kayo ng magandang si Samira,” sabay tukso naman ni Manang Rowena na agad sinundan ng halakhakan ng buong grupo.“Si
Terakhir Diperbarui : 2025-06-05 Baca selengkapnya