Napakapit siya sa gilid ng kama, ramdam ang panginginig ng katawan. Ang bawat tibok ng puso niya ay parang sabay sa bawat paghinga ng baby na ngayon ay nasa loob niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot o matuwa. Gusto niyang umiyak, gusto niyang sumigaw, pero wala siyang boses na lumalabas.Tumayo si Dia, pero halos sumuko ang mga tuhod niya sa bigat ng nararamdaman. Parang umiikot ang paligid niya, at sa bawat paghinga ay ramdam niya ang bigat ng emosyon na bumabalot sa kanya.Kung hindi lang siya nasalo ni Kuya River, baka bumagsak na siya sa sahig. Ang mga kamay niya ay nanginginig, at ang puso niya ay tila nagwawala sa dibdib, hindi malaman kung takot, lungkot, o hiya ang mas nangingibabaw.Cheska, her mother, sighed deeply, — pero kasabay noon, bumigay na rin ang mga luha nito. Hindi na niya kinaya ang makita ang anak niyang ganoon ka-wasak. She slowly stepped forward, bawat hakbang ay mabigat, parang may humihila sa kanya pabalik, pero nanaig pa rin ang pagiging ina.
Last Updated : 2025-10-14 Read more