“The agency I was talking to you about is contacting me again regarding you. Ano? Kailan ka ba uuwi? Kung trabaho ang iniisip mo kaya hindi ka pa bumabalik dito sa Pilipinas, I’ll guarantee you, the big modelling agency is waiting for you here! Susko ka, Dianna, sikat ka sa Hawaii, even here in the Philippines, you have a billboard, and they will be so happy to get you as a model! Sana naman sa susunod na birthday ni Alys ay dito na kayo. Look, oh, kayo na naman ang kulang dito!” Sermon agad ng ate niya, sabay kunot ng noo habang pinapakita sa camera ang buong pamilya na nagtatawanan sa likod.Habang nagsasalita si Thali, napatingin si Dia sa screen, nakita niya ang lahat. May kurot sa puso habang pinapanood ang bawat eksenang iyon. Ang ingay, ang tawanan, ang halakhakan, lahat iyon ay nakakapang-miss.Every time they talk, hindi talaga nawawala ang linyang iyon,“Umuwi ka na sa Pilipinas.” At sa bawat pagbanggit ni Thali noon, pakiramdam ni Dia ay mas lalong bumibigat ang dibdib niya.
Huling Na-update : 2025-10-18 Magbasa pa