“Mommy!! Mommy!!” Napabalikwas si Dia sa gulat nang marinig niya ang boses ng anak na animoy nagmamadali at natataranta. Halos lumundag ang puso niya sa kaba dahil bihira lang sumigaw nang ganoon si Alys maliban na lang kung talagang may nangyaring hindi niya inaasahan o ano pa man.She immediately looked at the door, at saka agad rin naman iyong bumukas, iniluwa ang anak niyang kakagising pa lang, halos hindi pa naayos ang buhok, magulo ang laylayan ng pajama, at punong‑puno ng ibat ibang emosyon sa mata nito.“Alys—”“Mommy, am I dreaming?” Tarantang tanong niya at saka agad na sumampa sa kama, halos mahulog pa sa pagmamadali, na kung hindi siya nahawakan ni Dia ng mabilis ay baka nga nahulog na ito.“Why? Are you okay? Anong nangyari?” Tanong ni Dia sa anak niya, halatang naguguluhan na ng subra at nag-aalala na rin.“M‑Mommy…” Nanginginig ang boses ni Alys, at sa bawat segundo ay na tila mas lalo pang lumalalim ang halo‑halong emosyon na nararamdaman niya, takot, tuwa, kaba, pagka
Last Updated : 2025-11-20 Read more