Ano kaya mangyayare after this night? I'm excited naaaaa
Hanggang sa maramdaman niyang may malalakas na braso ang sumalo sa kanya at init ng katawan ang dumampi sa balat niya.Napalunok si Evelyn habang nakapikit pa rin, tinatangka niyang huwag pansinin ang bilis ng tibok ng puso niya. Ang kanyang mga palad ay halos manginig sa kaba at gulat. Nang unti-unti niyang idinilat ang mga mata, bumungad sa kanya ang mukha ni Lorenzo—seryoso, galit, pero hindi maikakaila ang bahid ng pag-aalala sa mga mata nito.Bigla siyang natigilan. Ang lapit ng mukha nito. Ang lapit ng labi—masyadong malapit para hindi niya maramdaman ang init ng hininga nito na humahaplos sa kanyang pisngi. Ang bawat segundo ay parang humihinto.Napababa ang tingin niya sa mga labi nito at naalala niya na naman. Ang halik. Yung gabing ayaw niyang alalahanin pero paulit-ulit namang bumabalik sa isip niya. Ang paraan ng pagkakadampi ng labi nito sa kanya, ang init, ang kilig—lahat ay parang biglang nanumbalik sa mismong pagkakatitig niya ngayon.Kagat-kagat na ni Evelyn ang labi
Chapter 21“Manang, what’s tigang?” Hindi na magawang pigilan ni Evelyn ang itanong iyon kay Manang nang sumapit ulit ang linggo at nasa Mansion sila.This time, they are in the library, nililinisan ng maraming libro dahil sa alikabok nito. Halos di na mabilang ang pagbahing ni Evelyn sa dami ng alikabok na naiipon sa mga libro, lalo na ang mga librong nasa itaas pa.Habang abala siya sa pagpupunas ng mga makakapal na pahina, bigla na lang niyang naitanong iyon nang wala sa oras, naalala niya ang bagay na iyon at nagbasa siya sa mga dictionary na nasa library, wala naman siyang nakita roon kaya talagang sobra na ang kuryoso niya kung ano ang ibig sabihin non. Parang kinakati ang isip niya sa kakaisip. Bakit wala sa kahit anong dictionary? Bakit parang sobrang lihim?Hindi tumitingin si Evelyn nang itanong niya iyon, pero nanlaki ang mata niya at gulat na napatingin kay Manang Vilma nang bigla siya nitong hinampas sa balikat na animo'y may nasabi siyang mali—o marumi.“Manang? Para saa
Bago makatungo sa pupuntahan ay napasulyap siya sa kwarto ni Lorenzo, alam niyang tulog na ito kaya naman mas lalo siyang naiirita ngayon dahil siya, hindi makatulog dahil sa halik, pero ang Lorenzong iyon? Paniguradoy tulog na."Bangungutin ka sanang impakto ka!" Hindi na niya mapigilang isambit iyon at saka ambang tatadayakin pa ang pinto, pero shempre hindi niya iyon tinuloy, baka magising pa ito, ni hindi niya alam kung paano ito haharapin pagkatapos non.Imbes na maubos ang pasensya doon ay nagpatuloy siya sa pupuntahan.These past few days, she found solace in books. Reading had become her refuge. Pero patungkol sa mga kondisyon niya ang mga nauna niyang binasa. Because Lorenzo is a doctor, maraming patungkol sa medisina ang nakalagay dito na libro, and she really got curious about what happened to her—what went wrong in her brain, what symptoms she might’ve missed, and what chances she had for recovery.Iyon nga ang tumulong sa kanya para unti-unting maintindihan ang kalagayan
Chapter 19Chapter 19“What? You are not going to continue eating? You want more kiss? Alam kong magaling akong humalik, pero—”Hindi na napigilan ni Evelyn ang takpan ang bibig nito at saka tumayo. Napapasinghap pa rin ito habang nakatingin kay Lorenzo, gulat na gulat dahil sa ginawa nito.Parang nag-freeze ang buong sistema niya. Umiikot ang ulo niya sa gulat at inis, pero higit sa lahat—sa hindi niya maipaliwanag na kaba at pakiramdam na biglaang bumalot sa kanya.Pakiramdam niya ay nag-init ang buong katawan niya sa isang iglap. Hindi niya alam kung saan niya ibabaling ang mga mata niya, dahil kahit saan siya tumingin, biglang mukha ni Lorenzo ang naaalala niya.Kinagat ni Lorenzo ang labi habang si Evelyn ay napasinghap pa lalo dahil hindi niya mapigilan ang mapatingin doon sa labi nitong kinagat niya.Hindi niya maintindihan kung bakit parang nag-e-echo sa dibdib niya ang tunog ng halik na iyon. Para bang bawat tibok ng puso niya ay paalala ng sensasyong iyon. Napalunok siya big
Napasinghap si Evelyn, saka napatawang inis. Napailing pa siya habang nilalapit ang mukha dito.“You didn’t even say sorry!” sumbat niya, nawalan na ng ngiti sa mga labi niya at napalitan iyon ng matalim na tingin.Muling tiningnan ni Lorenzo si Evelyn, ngayon ay kunot na rin ang noo nito at halatang pinipigilan ang sarili. “Don’t talk and look at me like I did it on purpose! Ginulat mo ako!” depensa niya, pero umirap lang si Evelyn at walang sabi-sabing kinuha ang kutsara nito na para bang sinadya talagang inisin siya.“What the f*ck again this time? That’s my spoon!” reklamo ni Lorenzo, napaatras pa ng bahagya habang sinusundan ng tingin ang ginagawa ni Evelyn. Lalo pa siyang nabigla nang gamitin iyon ni Evelyn para kumuha ng pagkain at isubo sa harap niya.“That’s my food!” sigaw niya, halos mapatayo sa galit dahil kumuha pa ito sa pinggan niya.Pero mariing ngumiti si Evelyn habang hindi inaalis ang titig kay Lorenzo. Nang-aasar ang bawat kagat at ramdam ang intentional na paglabag
Chapter 16Tahimik si Lorenzo habang kumakain, tila wala siyang balak magsalita. Ang bawat galaw niya ay maingat at walang kahit anong emosyon sa mukha—tila ba sinadya niyang maging malamig ang presensya niya.Meanwhile, Evelyn kept glancing around while eating, her eyes flickering between the man and the room, trying to read his emotions through his quiet demeanor.She noticed every subtle movement—the way he held his spoon with a certain tension in his wrist, the slight furrow of his brows every now and then, and the barely noticeable sighs that escaped his lips.Wala man itong sinasabi, pero para bang may mabigat na pasan na itinatago sa likod ng mapanatag na kilos. Hindi maiwasan ni Evelyn na mas lalong ma-curious sa tunay na nararamdaman ng lalaki, lalo na't tila mas pinipili nitong magtago sa katahimikan kaysa harapin ang lahat.Nang malunok na niya ang pagkain ay saka ito nagsalita, pilit na sinisira ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nila.“Ano bang ginagawa mo rito magha