Mabagal na nag-ayos si Kierra. Hindi niya alam kung sino ang bisita nila, but she didn't care who they were. Mauupo lang naman siya at ipapakilala ng mommy niya. Bawal din siya magsalita ng kung ano dahil baka hindi magustuhan ng ina niya ang sasabihin niya, sa huli, papagalitan at sasaktan siya ng ina niya.Bumaba siya sa hagdan, pero sa pagbaba pa lang ay halos manghina na siya nang makita ang mga taong nandoon. It was the Cervantes family. Nagtatawanan ang mga nandoon. Ang iba ay nakita niya sa dinner noon sa bahay ng mga Buenavista, ang isa sa kanila ay si Pia at sa isang dako ay ang matandang pakakasalanan niya.Nanginig ang mga kamay at tuhod ni Kierra, lalo na nang makita na siya ni Pia at nginitian na animo’y masayang masaya—isang ngiti na tila kutsilyong nakatarak sa puso niya. Para bang sinasadyang ipamukha sa kanya ang kabaligtaran ng tunay niyang nararamdaman.“Oh, here’s my soon-to-be lola. Hello po, Lola,” ani nito, nakangiti, pero ramdam niya ang pang–insulto nito. Bawat
Last Updated : 2025-06-10 Read more