Tumulong si Aiden sa pagtingin sa mga pagkaing dinala nila Azrael at Cheska. Marami iyon, may tatlong karton ng pizza at mga pagkaing pwedeng lutuin. Napatingin si Kierra kay Aiden at mas lalong napangiti nang maisip na para silang mag-asawa ngayon—simple, masaya, at magaan ang pakiramdam.Wala sila sa malaking bahay, pero mas masaya kung nasaan sila ngayon. Malaya sila sa ginagawa nila ngayon. Walang iniisip na reputasyon, walang iniintinding ibang tao. Sa simpleng kubo, sa gitna ng katahimikan ng paligid, naramdaman niya ang uri ng kaligayahang matagal na niyang hinahanap—kasama si Aiden.Kierra bit her lips, alam niya na may malaki silang problema, but because of what happened, because of what they feel right now, gusto na lang kalimutan lahat ni Kierra. Gusto niyang damhin ang bawat segundo kasama ito, ang bawat sulyap, bawat halakhak, bawat haplos. Parang kahit gaano kabigat ang pinagdaraanan nila, nawawala ito sa bawat ngiti ni Aiden, sa bawat sulyap nitong puno ng pagmamahal.H
Terakhir Diperbarui : 2025-06-18 Baca selengkapnya