Chapter 82 – Sa Bayan, Sa Kamay ng PagmamahalGaya ng sinabi ni Aiden, pumunta sila sa bayan para bumili ng higaan. The last time they went here, hindi siya gaanong nakalibot, ni hindi niya nagawang ilibot ang tingin para pag-aralan ang bawat parte ng lugar dahil na rin sa hindi sila maayos ni Aiden at hindi sila nag-uusap, but right now, iba na ang usapan gayong maayos na maayos na sila ni Aiden, she couldn't help but look around.Mainit ang sikat ng araw ngunit hindi ito nakakainis; sa halip ay tila mas nagbigay ito ng buhay sa buong bayan. Maraming tao sa paligid—mga magkasintahan, pamilya, matatanda’t bata, mga vendor na abalang nagaalok ng kanilang paninda.May naririnig pang masiglang tugtugin sa di kalayuan, tila galing sa isang portable speaker ng isang tindahan. Amoy na amoy rin ang bagong lutong kakanin sa gilid—bibingka, suman, at puto. May mga tindahan ng damit, souvenirs, sari-sari store, hanggang sa mga lumang bakery na may lumang signage na tila saksi na sa mga dekada.
Last Updated : 2025-06-19 Read more