Get ready for the next chapterrrrr. Mainit init ang next chapter kaya kalmahan niyo lang hahahaha
Chapter 94“Ahhh! Aray!” Nagising si Aiden sa sigaw na iyon.Napamulat siya, mabilis na bumangon at napahawak sa gilid ng kama, instinctively searching for Kierra para yakapin sana. Ngunit wala na ito sa tabi niya. Kumunot ang noo niya, ang puso ay bahagyang kumabog. Napa-upo siya, pilit inaaninag ang paligid ng silid.“Aray!” Muling sigaw ni Kierra.Nanlaki ang mata ni Aiden at tuluyang rumehistro sa isip niya ang boses ni Kierra. Nataranta siyang napatayo at agad na tinakbo ang papuntang pinto, pero napahinto siya sa nang makita ang eksena sa harap niya.Si Kierra, naka-pambahay lang, may hawak na sandok sa isang kamay at takip ng kaldero sa kabila—parang sundalong nasa digmaan, pero ang kalaban ay... mantika.“What the... hell?” Hindi alam ni Aiden kung matatawa o maawa sa kanyang asawa. Namumula ang mata nito, halatang naiiyak na habang pilit nilalabanan ang tumatalsik na mantika mula sa kawali.“Ahh!” Napasigaw ulit si Kierra nang mas malakas na talsik ng mantika ang tumama sa ha
Chapter 93Hindi matanggal ang ngiti ni Kierra habang nakatingin sa singsing niya. Sa liwanag ng lampshade sa loob ng kubo, kumikislap ang mga brilyante sa wedding ring niya, tila ba sumasayaw ang liwanag sa mga ito—parang sinasayaw din ang bagong yugto ng buhay niya. Sa gitna ng katahimikan, hindi na siya nagulat nang maramdaman ang mainit at pamilyar na yakap mula sa likod.“Misis na talaga kita,” she heard Aiden say, his voice soft and full of wonder, parang hindi pa rin siya makapaniwala.Hinawakan ni Kierra ang kamay ni Aiden at tinignan ang singsing nito. Hindi iyon isang simpleng singsing lang. It obviously worth a million—pero hindi lang dahil sa halaga ng bato. Ang disenyo, ang bigat, at ang paraan ng pagkakabit ng bawat maliit na diamond sa paligid ng gitnang bato—lahat iyon ay para bang sinadyang maging simbolo ng pagmamahal at pangakong walang wakas.“Thank you sa pagdala kay papa rito, hindi ko iyon inaasahan,” mahinahong ani ni Kierra habang pinipigilan ang luha.Alam ni
Ramdam niya ang pagtibok ng puso nito, ang init ng pagyakap na matagal na niyang inasam. Ito ang yakap na dapat ay noon pa niya naramdaman—sa mga gabi ng takot, sa mga panahong iniiwan siya sa dilim ng galit ng ina niya. Pero ngayon, kahit huli, kahit sandali lang—narito ito. At sapat na iyon, lalo na at nasa araw sila ng isa sa importanteng araw sa kanya.Ni hindi niya naisip na makikita niya ang kanyang ama ngayon.Naalala niya noong minsan na pumunta ito sa mansion para kunin siya, pero sa huli, pinahuli siya ng kanyang ina at kinulong, inakusahang magnanakaw. She remembered how she begged her mother to lift the case. She remembered how her father begged too—but he was pushed away, thrown out.“P-Papa, ikakasal na po ako,” ani ni Kierra at tinignan na ang kanyang ama, this time, there’s already a smile. Ngunit sa ilalim ng ngiting iyon, may nangingibabaw na damdamin ng pasasalamat at pagkamangha.Ngumiti rin ang kanyang ama at saka tumango. “At mukhang mabuting tao ang pakakasalan
Chapter 92 (Expanded)“Huwag mong kapalan, ah. Maganda na siya, hindi na niya kailangan ng maraming make up—iyong simple lang, pero dapat kumikinang para mas lalong mabaliw si Aiden sa kanya,” ani Cheska sa nagma-makeup kay Kierra habang maingat na nilalagyan ng highlighter ang cheekbones nito.Napangiti si Kierra. Kanina pa ito, sa lahat ng bagay ay sinisigurado niyang maayos lahat. Pumunta nga siya kanina sa labas para tignan ang mga ginagawa ng ilang mga tao roon. She is making sure that everything is in good place, na hindi magkakaroon ng kahit anong aberya.Nakita pa nga niya ang paglalatag ng mga puting petals sa aisle, ang pagsasaayos ng wooden arch na may mga puting rosas at dried leaves, at ang mga upuan na may mga minimalist decors—lahat simple, pero elegante. Sakto sa tema. Hindi magarbo, tamang tama lang talaga.“Dahil beach wedding naman, ilulugay nalang iyong buhok niya dahil tamang tama iyong wavy hair niya sa dagat, ieenhance na lang ang mga gilid-gilid na buhok sa gil
Chapter 91 (Expanded)Sa sobrang pagod, tuluyang dinalaw ng mahimbing na tulog si Kierra. It was the kind of sleep that only comes when your heart is calm—when you feel safe. For once, walang mabigat na iniisip, walang pag-aalala sa kinabukasan. Kaya naman nang magising siya, the warm sunlight was already seeping through the thin curtains, casting golden rays across the floor. Napabalikwas siya ng bangon, and what greeted her nearly made her heart leap out of her chest.“A-Ano 'yan?” gulat na tanong ni Kierra, halatang kagigising lang dahil paos pa ang boses niya. Her eyes widened in awe habang nakatitig sa puting tela na maingat na nakasabit sa ibabaw ng silya sa harap niya—isang eleganteng ngunit simpleng wedding gown.Ang gown ay nakakabighani sa sobrang pagiging simple. Off-shoulder ito, banayad na niyayakap ang baywang, at may mahinhing slit sa gilid na nagbibigay dito ng ganda at kapangahasan. Hindi ito engrande, pero maganda—sobrang ganda. Perpekto para sa isang kasal sa tabing
Chapter 90Hinayaan ni Kierra na malaglag sa sahig ang puting dress na suot niya. Dahan-dahan, para bang sinasayaw ng kanyang mga daliri ang bawat tali ng saplot niya, hinubad niya ito na parang isa iyong ritwal ng buong pagtalikod sa mundong puno ng sakit at panghuhusga. Marahan niyang tinanggal pati ang kanyang underwear—tulad ng paghubad niya sa mga alalahanin ng nakaraan—bago siya pumasok sa maliit na banyo ng kubo, dala ang buong sarili niya, handang muling ialay kay Aiden.Sa loob ng banyo, naroon si Aiden, nakapikit at ninanamnam ang agos ng malamig na tubig mula sa shower. Ang tunog ng patak ng tubig ay tila naging musika sa pandinig ni Kierra—isang musika ng katahimikan at damdaming pilit kinikimkim. Ang shower na iyon, ilang linggo pa lang mula nang ipalagay ni Aiden, ay naging saksi sa bawat gabing magkasama sila, sa bawat sandaling sabay nilang tinakasan ang mundo.Dumilat si Aiden. Tumama agad ang kanyang mga mata kay Kierra—walang kibo, walang tanong. Tanging titig, isang