Bigla namang nabuhayan si Evelyn, kahit papaano ay may pag-asa siyang makaalis sa mansion at makaiwas sa tensyon kay Lorenzo.“Pwede po akong sumama, Manang?” Tanong niya agad, halos hindi mapigilan ang pananabik sa tono niya. Maaga pa naman, at kahit mapagabihan siya, ayos lang, basta’t hindi niya makakasama si Lorenzo na siya ngayong parang bombang handang sumabog sa bawat tingin o salita.“Ha? Sumama ka sa bahay namin?” medyo nagulat si Manang Vilma. “Aba, ayos lang naman, pero magpaalam ka muna kay Sir. Hindi naman pwedeng bigla ka na lang mawawala rito,” ani nito, dahilan upang mapasimangot si Evelyn.“Manang, naman,” reklamo niya habang tumiklop ng mga tuyong tuwalya, “pwede bang sumama na lang ako kahit huwag na akong magpaalam? Di naman ako bata o kaya hindi ko naman boyfriend si Lorenzo para magpaalam pa ako, diba?” Umirap pa siya nang mabanggit ang pangalan ng lalaki. “Gusto ko ring makita ang ibang parte ng isla, para kahit papaano eh may mapuntahan ako bukod dito.”“Ay sus,
Terakhir Diperbarui : 2025-07-29 Baca selengkapnya