Napakagat-labi si Evelyn. Hindi na niya alam kung kakalas ba siya o magpapaiwan pa.“Sh*t…” mahina niyang bulong, halos wala sa sariling napatawa ng pait.“Heto ba ang binabangungot?” tanong niya sa sarili, napapasinghap, pilit umaasang may makakagising sa kanya. Sinubukan ulit niyang kumawala, pero gaya ng una, bigo na naman siya.Kinagat niya ang kanyang labi. Dahan-dahang pumikit habang pilit hinahabol ang sariling hininga. Huminga siya ng malalim, umaasang matahimik ang utak niya, pero sa halip na mapanatag, mas lalo siyang nalito dahil sa naamoy niya—ang bango ni Lorenzo.“Pvtangina, bakit ang bango mo?” wala sa sariling ani niya, pabulong, habang mas inilapit pa ang ilong sa leeg nito at saka inamoy. Tuluyan na siyang napangiti, napahikhik pa nga nang bahagyang gumalaw si Lorenzo.“Sige na nga, hindi kita bibigyan ng black eye ngayon. Pasalamat ka, mabango ka,” bulong pa niya, medyo amused sa sarili.Hinayaan na lang niya ang kanilang posisyon. Ang kamay niya ay dahan-dahang guma
Last Updated : 2025-07-25 Read more