Maglalakad na sana si Thali, mariin ang bawat hakbang, ngunit agad siyang hinarangan ni Paul, halos ikaladkad ang sarili para lang masarhan siya ng daan. Para itong isang pader na nanginginig, humahabol ang hininga, at kumakabog ang dibdib na parang tatakas sa tadyang.“M-Mamaya mo na siya puntahan, a-ano… wait ka lang… T-Teka, ako na ang pupunta sa kanya, sasabihin kong nandito ka para—” nanginginig na sambit nito, nag-aalangan kung hahawakan ba si Thali o iiwasan ang galit na tila handa nang sumabog.Nanlalabo ang mga mata nito sa tensyon, at halos lumuhod sa takot na baka sa isang iglap ay sumabog si Thali sa harapan niya. May kaunting impormasyon na nakuha si Paul tungkol sa kanya, at batid niyang hindi biro ang kakayahan nito—alam niyang sa isang suntok lamang ay kaya na siyang patumbahin ang taong nasa harap niya kung gugustuhin niya.“Bakit ka kabado?” mabilis at diretsong tanong ni Thali, halos mapako ang tingin niya sa pawis na lumitaw sa gilid ng sentido ni Paul. Mas lalong
Last Updated : 2025-08-17 Read more