Heto pa po
“Ibabalik ko na ito kasi ayaw na kitang maalala! Just fvcking get this and then it’s done!” Agad ding sambit ni Dia, nanginginig ang boses, pero pilit niyang pinapakatatag ang sarili.Nagsusumiksik sa pagitan ng bawat hinga niya ang luha na ayaw niyang patakbuhin. Napaigtad siya nang biglang ibagsak ni Paul ang hawak niyang baso. Sa sobrang diin ng pagkakahawak nito, nagkalat ang mga piraso ng bubog sa sahig at dumaloy ang dugo sa kamay niya, pero hindi man lang niya iyon tiningnan.Hindi man lang siya natinag. Ang mga patak ng dugo ay bumagsak sa malamig na sahig, kumakalansing kasabay ng katahimikan na parang musika ng isang trahedya na sila mismo ang sumulat.“I got that I hurt you, pero bakit kailangan mong ibalik ‘yan!” sigaw ni Paul, halos punit na ang boses habang bumubuhos ang luha sa kanyang pisngi. Ramdam niya ang pait sa bawat salita, ang bigat ng pagkadurog. Lahat ng pinigilang emosyon, ngayon ay tila sabay-sabay na sumabog.Napatitig si Dia sa kamay nito, pero agad siyang
Galit siya. Galit na galit pa rin siya, pero miss na miss niya na rin ito at alam niyang mali iyon, alam niyang delikado kapag muli siyang nalambot. Kaya pinilit niyang pigilan ang sarili, huminga ng malalim, at saka buong puwersang itinulak si Paul—parang iyon na lang ang natitirang paraan para makalayo sa sakit.Hindi niya alam kung masyado lang ba siyang malakas o kung dahil nanghihina na talaga si Paul, pero nang magawa niyang itulak ito, muntik na itong matumba. Saglit siyang natigilan, pero mabilis din niyang pinigilan ang sarili na lumapit.Hindi na siya dapat mag-alala pa. Hindi na siya dapat umiyak pa. Pero kahit anong pilit niyang tibayan, ramdam pa rin niyang bumabalik ang bawat alaala nila, yung mga tawanan, mga pangakong puno ng pag-ibig, at mga gabi na siya ang yakap nito hanggang sa makatulog.“Hindi ako nandito para makinig sa mga kasinungalingan mo at maawa sa’yo. I’m here to end what we started,” deretsong sambit niya rito, kahit ramdam niyang nanghihina na siya sa l
Parang saglit na tumigil ang oras, at sa pagitan ng galit at sakit, may bahagi ng puso niya na gustong maramdaman muli ang yakap nito, ang init na minsang naging tahanan niya. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kamay, ang pagtibok ng puso niyang tila sinasabi na kahit pilit niyang itulak palayo ang nakaraan, hindi pa rin niya kayang tuluyang kalimutan ito.She felt confusion, longing, and a sharp ache that almost took her breath away, as if her heart couldn’t decide whether to break or to remember how to love him again.“S-Sinabi kong lumayo ka—” nanginginig ang boses ni Dia habang pilit itinutulak ito, pero hindi niya kayang idiretso ang kamay. Ang bawat pagtulak niya ay parang may humihila rin pabalik.Paano nga ba niya itulak ang taong minsang naging tahanan niya? Paano ba niya itutulak palayo ang taong magiging ama ng anak niya? Ang mga tanong na iyon ay paulit-ulit na bumabalik sa isip niya, bawat isa’y parang sibat na tumatama sa puso niya.Paul’s tears soaked through he
Nakatitig si Dia kay Paul, sa magulong buhok nito, sa mga sugat na kumikislap pa sa ilalim ng liwanag ng kwarto. Nakita niya ang mga mata nitong namumugto, parang ilang araw nang hindi natutulog, at sa ilalim ng mga matang iyon ay ang lalaking minsan niyang minahal nang buong buo. Pero ngayon, ang nakikita na lang niya ay isang estrangherong winasak ang mundo niya.Nanginginig ang baba ni Dia. “You don’t get to cry, Paul. You don’t get to look broken after what you did kasi gago ka ba? Ikaw naman itong nagluko, ah!” Halos mabasag ang boses niya sa galit.Ramdam ang panginginig ng kamay niya, at sa bawat salita ay parang pumuputok ang dibdib niya sa bigat ng sakit na matagal na niyang pinipigilan dahil hindi pa niya ito magawang harapin agad.Namungay ang mata ni Paul, pero hindi niya inalis ang tingin kay Dia. Parang gusto niyang bumagsak sa harap nito, humalik sa mga paa niya, at humingi ng tawad nang paulit-ulit hanggang sa mapatawad siya. Pero alam niyang wala nang kasiguraduhan. E
Chapter 190He immediately stood up as the door closed, pero agad rin namang natigilan si Paul nang mapansin ang paghakbang ni Dia patalikod, parang takot siya sa kanya, parang hindi nito gusto na lumapit siya rito. At sa bawat segundo ng katahimikan sa pagitan nila, unti-unting nababasag ang loob ni Paul.Parang tinusok ng libu-libong maliliit na karayom ang dibdib ni Paul nang makita ang paglayo ng taong mahal niya, the only woman she love at nasaktan niya ng sobra. Parang unti-unting binubunot sa kanya ang hininga habang pinagmamasdan si Dia na tila hindi na siya gustong makita.Ramdam niya ang bigat sa dibdib, parang bawat hinga ay tinatadtad ng pagsisisi. The guilt was eating him alive. Gusto niyang ipaliwanag ang lahat, gusto niyang sabihin na hindi niya ginusto ang nangyari, gusto niyang malinawan ito na wala namang nangyare sa kanila ni Zyril and the only thing his wrong was to let Zyril in his condo.Gusto niyang isigaw na hindi siya nagtaksil, na hindi niya kayang gawin ‘yo
Habang sinasabi iyon, bahagya siyang napatingin sa sariling mga kamay. Namumula pa ang mga daliri niya sa sobrang pagkuyom, at sa ilalim ng mesa, marahan niyang hinaplos ang tiyan niya, isang kilos na puno ng pag-aalala at pagprotekta.Ramdam niya ang bawat tibok ng puso niya, umaalingawngaw sa pandinig na parang paalala na may mas mahalaga pa ngayon kaysa sa sakit na iniwan ni Paul.Umiiyak pa rin siya tuwing naiisip si Paul, lalo na kapag naaalala ang mga gabing hindi siya makatulog kakaisip kung saan siya nagkamali. Pero ngayon, kahit masakit, may bago na siyang dahilan para lumaban, ang batang nasa sinapupunan niya.“But—” muling sabi ni Thali, pero agad siyang pinutol ng ama nila.“Let your sister do what she wants,” mariing wika ni Azrael, ang kanilang ama. “Basta aalis siya bukas at hindi magpapakita kay Paul pagkatapos niyon. Do you understand?” Ang tono nito’y kalmado pero may awtoridad, at kahit gusto pa ni Thali na sumagot, pinili niyang tumahimik. Sa pagkakataong iyon, ala