“Ma’am Gaia!” tawag ni Maya habang kinakawayan ang kapatid ni Gavin. Kabababa lamang nito sa sasakyan nang makita niya ito.Isa-isang bumitiw kay Maya sina Hope, Bia at Hivo.“Mommy, maglalaro na po kami nina Hivo at Bia. We will behave naman po at hindi po kami sasama sa strangers. We will look for each other po while you are waiting for Tita Gaia,” nakangiting sambit ni Hope.“Opo, Tita Maya. Hindi po kami lalayo ni Hivo kay Hope. Doon lang po kami sa may swing.” Itinuro ni Bia ang direksyon ng swing. Halata sa mukha niya ang excitement.“Bilang nag-iisang lalaki at bilang kaibigan po ni Matthan, sisiguraduhin ko po sa’yo tita na babantayan ko po nang maayos si Hope. Ako na po muna ang bahala kina Bia,” seryosong turan ni Hivo.Ngumiti si Maya. “Sige. May tiwala naman ako sa inyong tatlo. Basta huwag na huwag kayong maghihiwa-hiwalay at sasama kung kanino lang. Doon lang muna kayo sa swing para kita ko pa rin kayo ha,” bilin ni Maya.Sabay-sabay na tumango ang mga paslit at saka mas
Dernière mise à jour : 2024-10-19 Read More